Chapter 16

786 13 1
                                    

Martin point of view

:Desicion.

"Bro hinay-hinay lang baka mamatay kana niyan."

Tinapunan ko ng tingin si Marvin dahil sa sinabi niya. Wala akong oras para makipag asaran ngayon dahil gusto ko munang makalimot kahit papaano. Pero anong ginagawa ng tatlong to patuloy lang nilang binabanggit ang pangalan niya.

"Ano nga ulit pangalan non, Markie?" Tanong ni Minard at tumingin kay Markie.

Akmang ibubuka niya na ang bibig niya ng ilabas ko ang baril ko at nilapag yun sa lamesa. "Ang baril nato ay nag lalaman ng apat na bala, dahil tatlo lang ang papatayin ko tatlo lang ang magagamit kong bala. Paano kaya yun? Ahh... ipuputok ko sa ulo ni Markie ang isa." Sabi ko.

"Baka nakakalimutan mo brother may, assasin kang kasama." Pag paparinig ni Minard.

"So?"

"Hinay-hinay sa pag desicion bro, may gangster king kang kasama." Pag paparinig ni Markie.

"Baka i-salvage ka ng mga babae ko kapag pinatay mo ang bad boy ng buhay nila." Pag paparinig ni Marvin.

Ano bang pakialam ko sa mga posisyon nila sa buhay? Dapat ko ba silang katakutan? Pwes nag kakamali ang tatlong to, baka gusto nilang mauna sa hukay.

"Leave." Utos ko.

"Bro may tumatawag." Inabot sa akin ni Minard ang phone ko.

"Yes?" Sagot ko.

"Mr. Martinez ang Royalty Government nasa--!!" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng secretary ko dahil alam ko na ang gusto niyang iparating. Agad kung kinuha ang susi ng kotse ko at lumabas ng condo ni Markie.

"Bro anong nang yayari?" Tanong sa akin ni Minard.

Naka sunod lang sa likod ko ang tatlo kong kapatid habang ako ay natatarandatang nag lalakad papuntang elevator. Maraming beses kong pinindot ang button, bumukas ang pinto ng elevator at agad akong pumasok.

"Bro ano ban--- "

"Sinusundan ngayon ng mga Royalty ang pamilya Valeria." Sagot ko at pinindot ang groud floor.

"Nasaan na daw sila?"

"Nasa mansyon pa nila, hinaluglog nila ang buong bahay ng Valeria."

"Wait hihingi ako ng tulong sa mga kasama ko para itakas si Ms. Valeria." Sabi ni Markie.

"Bro," hinawakan ni Marvin ang balikat ko." Sisiguraduhin namin na maliligtas namin si Ms. Valeria kami na ang bahala sa kanya. Basta ang gawin mo pumunta ka kung nasaan ang mga Royalty."

Hingal na hingal ako habang nakatingin ng direkta kay Marvin." S-sige."

"Basta dalhin niyo siya sa ligtas na lugar. Hindi ko kakayanin kapag may nang yaring masama sa kanya." Mahina kung sabi.

"Takot lang namin sayo."

Bumukas ang elevator. Agad na tumakbo kaming apat para pumunta sa mga kanya-kanyang sasakyan. Binuksan ko kaagad ang sasakyan ko at ini-start ito at pinaharurot palabas ng parking lot. Mabilis na pinaandar ng mga kapatid ko ang sasakyan nila.

"May tiwala ako sainyong tatlo, iligtas niyo ang babaeng mahal ko."

"Copy that bro!!"

"Woah!!! Sasabak nanaman ako sa gera!!"

"Iba talaga kapag may mahal."

Natawa nalang ako sa mga sinabi nila. Lalo ko pang pinaharurot ang sasakyan ko papuntang Royalty. Sa ngayon kailangan ko silang maka-usap ng masinsinan.

------------------------------------------------

"Mr. Martinez may pagtitipon po nga--- "

"Fck you!" Sinuntok ko ito ng harangin ako  nito sa daan.

Dumiretso ako ng lakad papunta sa loob kung saan sila nag titipon-tipon. Bumungad sa akin ang mga gulat nilang tingin ang iba naman ay napatayo mula sa kanilang upuan.

"Mr. Martinez what---- "

"Fck you asshol*!! Gusto kung itigil mo ngayon ang pag haloghug sa buong mansyon ng Valeria." Hinampas ko ang lamesa at binigyan siya ng masamang tingin.

Matagal na akong nag titimpi sa corporasyon nilang lahat. Kung hindi naman dahil sa mga mayayamang pamilya dito ay hindi ito matatayo. Dahil ang mga tao sa harap ko ay dati lamang ordinaryong namumuhay. Pero ngayon naliligo na sila sa mga limpak-limpak na salapi.

"Pasensya na Mr. Martinez labas ka sa nang yayari--- "

Naiyukom ko nalang ang kamao ko dahil sa inis sa kanilang lahat. Parang may kung ano sa akin na gustong kung kilitan ang mga buhay nila. Umigting ang panga ko at tinapunan sila ng masamang tingin.

"Fck you asshole!! Kung hindi niyo ititigil yun papasabugin ko tong lugar niyo." Pag babanta ko dito." Baka nakakalimutan mo ako si Martin Ace Lawrence Bautista. Walang pwedeng bumungga sa akin ng kahit sino o kahit kayo."

"Napag desicionan na ng lahat Mr. Martinez." Umigting ang panga ko dahil sa inis ko.

"Wala kang karapatan para pigilan ang desicion namin Mr. Martinez."

"Kami ang Royalty Go--- "

"So? Baka nakakalimutan niyo, kung hindi dahil sa Martinez ay hindi mabubuo itong corporasyon niyo." Giit ko dito at kuwan ay dinuro-duro sila.

"Alam namin yun Mr. Ma--- "

"Alam niyo naman pala."

Inis ako napahawak sa lamesa at pinikit ang aking dalawang mata para pakalmahin ang sarili ko. Masyado na akong nagagalit dahil sa pang yayari, kailangan kong huminahon at kausapin sila ng maayos.

"Ang parusa ay gaganapin bukas Mr. Martinez." Umangat ang tingin ko sa kanya.

"Parusa? Anong parusa?" Tanong ko dito.

"Lalatiguhin siya sa likod ng 100 na beses--- "

Sa sobrang gulat ko ay tinapon ko ang mga upuan nila at binaligtad ang lamesa. Nakakalat na sa sahig ang iba't ibang papeles at mga mineral water. Masasaksihan niyo din ang pag katakot sa mga itsura nila dahil sa ginawa ko.

"Lalatiguhin ng 100 na beses? Hindi niyo ba naririnig ang mga sarili niyo babae si Ms. Valeria. Hindi niya kakayanin yun, infact pwede siyang mamatay once na gawin niyo yun. Ganto ba talaga kayo? Tumakas lang si Ms. Valeria pero.. grabe na ang parusa na pinatong niyo sa kanya!!" Aniko.

"Bakit ganyan ka Mr. Martinez? Dati naman ay ayaw mo sa kanya. Ni.. wala ka ngang pakialam sa kanya non, pero ngayon pinagtatanggol mo siya." Natulala ako sa sinabi niya.

Ngumisi ako dito." Dahil siya lang ang babaeng nag pabago sa akin."

"Wow, pero hindi sapat yun Mr. Martinez ang parusa ay--- "

"Ako na."

"Ano ulit Mr. Martinez?"

"Ako na ang sasalo sa parusa." Eto lang ang paraan para makabawi ako sayo Ms. Hannah Amarah Kristine Jane Valeria.

You will be my special one, my tesoro.














































Martinez Series #1 : Cassanova Bride (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now