Chapter 11

821 11 0
                                    

Hannah point of view

:Leave.

"Hmmm... Martin may nakalimutan ba ako?"

Tanong ko ng iniisa-isa ko ang mga gamit niya na nakalagay sa maleta. Meron kasi siya ngayong business trip sa America. Infact ay isang araw lang naman siya don pero kailangan handa parin siya kung may emergency ang nang yari.

"Isang araw lang ako don pero ang dala kong damit ay pang isang buwan."

Natawa nalang ako sa sinabi niya. Ang totoo niyan kasi marami akong nilagay na mga damit sa maleta niya. Kagaya ng sinabi ko kanina kung magkaroon man ng emergency ay handa siya.

"Ano kaba maganda narin ang handa ka."

Ngumito ako dito at sinara ang maleta niya. Binaba ko ito at nilagay sa gilid ng higaan niya. Akmang haharap na ako ng yakapin niya ako mula sa likod ko ng nag pabalis ng tibok ng puso ko.

"Ma-mimiss kita."

My heart beat so fast. Nong gabing yun ay nag bati na kami pero hindi ko akalain na gagawin niya ito? Alam kong hindi pa siya sigurado sa nararamdman sa akin kaya niya ginagawa ito.

"Isang araw lang tayo hindi magkikita tapos mami-miss mo agad ako?"

Humarap ako dito at inyos ang baliko niyang neck tie. Tumingala ako dito para tingnan siya muli. Dahil isang araw ko siyang hindi makikita, hindi ko makikita ang seryoso niya muka. At wala narin kakain ng mga niluto ko.

"Well?  definetly yes."

Tumawa ako ng mahina." Ewan ko sayo--- oo nga pala tumawag ka pag nakarating kana sa America. And then... iwasan mo rin ang mag skip ng meal baka magkasakit ka dahil lang sa hindi ka nakakain. Edi hindi ka makakauwi kaaga niyan."

He smile." Noted."

"Kung ganon pwede mo na bang tanggalin ang kamay mo sa bewang ko? Baka mapagkamalan patayong mag asawa dahil sa pwesto natin." Aniko.

Ganto siguro ang gagawin niya kapag naging mag asawa kami? Kung hindi ba ako umalis noong kasal namin mararanasan ko kaya ang ganto? Makakaranas kaya ako ng pagmamahal niya kahit mag asawa na kami.

I wish.

Imbis na bitawan niya ako ay niyakap niya ako ng mahigpit. Akmang aalis na siya sa pagkakayakap sa akin ng yakapin ko siya pabalik. Kung nagkita lang tayo ng araw nayun. Mababago ba ang nasa isip ko non.

"Let me hug you, my tesoro."

Tesoro? Ano kaya ang ibig sabihin non?

"Umuwi ka ng maaga."

Narinig ko ang pagtawa nito sa likod ko na ikinangiti ko.

"Noted."

Sa ganong posisyon ay naranasan kong maging ligtas sa kamay ng isang tao. Pero dapat ba kitang pagkatiwalaan Martin Ace Lawrence Martinez? Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa kanya. Dahil sa ginawa ko noon. Dapat ba talaga? Lalo't ng alam ko na may galit ka pa saakin.

Tama ba na gawin ko to? Tama ba na hayaan kita na pumasok sa buhay ko. Paano kung mapahamak ka dahil sa akin? Paano kung malaman mo na may nag hahanap sa akin na ibang tao? Anong gagawin mo?

Tumingala ako dito at tiningnan siya sa mata. Ang mga matang yan ang una kong kinatakutan. At ang mga matang yan ang nakakita sa akin noong panahon na tumakas ako.

Flashback.

"Young lady nag hihintay napo sa baba ang mga magulang niyo."

Napatingin ako sa pinto kung saan kumatok ang isa naming katulong. Sinara ko kaagad ang dala kung maleta at tikluban yun ng kumot.

"Babababa na po ako."

"Sige po."

Sinuot ko ang eyeglass ko at mask. Dinampot kuna kaagad ang maliit kung maleta at pumuntang veranda. Hinulog ko ang maleta ko sa baba para hindi na ako mahirapan. Gumawa naman ako ng tela na pinahaba hanggang baba para makakababa ako ng walang kahirap-hirap.

Nang nakababa na ako ay agad kong dinampot ang maleta ko at tumakbo palabas. Akamang tatawid na ako sa kabila ng may sumulpot na kotse sa harap ko na ikinagulat ko. Napa-upo ako sa sahig habang nakatakit ang dalawa kung kamay sa muka ko.

"Ms, ok kalang?"

Tinanggal ko ang kamay ko na ginawa kong pang harang sa muka. Napatingala ako ng mapansin ko na may tao na nakatayo sa akin.

"Ms, ok kalang?"

Natulala ako ng makita ko ang isang lalake na naka suot ng itim na tuxedo. Matangkad ito at napaka gwapo, kissable lips, beautiful grey eyes, pointed nose. Kita mo rin ang kakisigan nito at ang malakas na charisma dahil sa tindig niya at tingin.

"Ahh--oo."

Ng nabalik ako sa reyalidad ay agad akong tumayo at pinag pagan ang sarili ko. Dinampot ko ang maleta ko at agad na tumakbo paalis sa lalaking yun. Akamang sasakay na ako sa taxi ng may humawak sa braso ko na ikinaharap ko kaagad.

"Gusto mo ihatid nalang kita?"

My heart beat so fast like a running horse. Lalo't ng titigan ako nito sa mata na nag pabilis lalo ng tibok ng puso ko. Bumaba ang tingin ko  sa mga labi nito na kulay pulang rosas dahil sa pula.

"Ms?"

Umiwas agad ako ng tingin doon at humarap tumingala ulit sa kanya.

"Hindi na."

Tinanggal ko ang pagkakahawak nito sa kamay ko at sumakay na sa taxi.

"Manong sa Sta. Maria po."

"Sige po ma'am."

Pinaandar na ni manong ang sasakyan habang ako ay nakatingin lang sa side mirror para tingnan ang lalake. Pinagmasdan ko lang ito habang palayo na siya ng palayo sa akin. Tinanggal ko ang mask ko at salamin, pinasok ko yun sa bag ko at tinalian ang mahaba kung buhok na medyo kulot.

Tumingin nalang ako sa labas. Hindi parin maalis sa isipan ko na may ganong lalake na nag e-exist sa mundong ito. Sa sobrang gwapo niya ay wala siyang katulad sa ibang lalake. Sayang at hindi ko siya nakilala, pero namumukhaan ko siya.

End of flashback.

"Bye."

Paalam ko dito ng nasa labas na ito ng condo. Sa sobrang gwapo nito sa suot niya mapapag kamalan itong artista.

"Take care."

Ngumiti ako dito." Sha-sha umalis kana baka mahuli kapa sa flight mo."

Tumango ito at hinila na ang maleta niya paalis. Huminga ako ng malalim bago isara ang pinto. Napasandal nalang ako sa pinto at napapikit. Ang tagal na non pero naalala ko padin siya. Dahil sa sobrang dilim ng araw nayun hindi niya ako na mukhaan. Sabagay naka salamin at mask ako non kaya paano niya ako makikilala.

Sana nga nakilala niya ako non.















































Martinez Series #1 : Cassanova Bride (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now