Chapter 20

740 10 0
                                    

Hannah point of view

:The truth.

"Magandang umaga, ija."

Nag lakad ako papunta kay manang at lumapit sa niluluto niya. Naging routine ko na kasi ang mag luto at mag linis sa umaga. Nasanay ako nong tumira ako kay Martin. Speaking of him, isang buwan ko na siyang hindi nakikita at isang buwan narin siyang hindi nag papakita sa akin.

"Alam mo ija kung nakakatunaw lang ang pag titig mo diyan, baka kanina pa tunaw ang niluluto ko."

Umiwas agad ako ng tingin sa niluluto ni Manang at kuwan ay nag lakad nalang ako papuntang ref. Binuksan ko ito at kumuha ng malamig na tubig para uminon.

"Ano po ba yang niluluto niyo?"

Tanong ko. Lumapit ako muli sa niluluto niya at inamoy yun. Kulay berde eto at nag lalaman ito ng carrots, manok at patatas. Masasabi ko rin na sobrang bango nito at mukang masarap. Humarap ako kay manang at ngumiti.

"Chicken Carry, ija."

Tumango lang ako bilang tugon. Binaba ko ang basong ininuman ko at kuwan ay umalis na sa kusina. Wala naman akong gagawin don, infact ay hindi ako hahayaan ng mga tao dito na mag luto at mag linis ng mansyon.

Unbelievable!

Nag lakad ako sa pasilyo ng mansyon at nilibot ko ang paningin ko sa buong mansyon. Ilang taon narin ng huli ko tong masilayan, at kung gaano ka ganda ang mansyon namin. Naalala ko nong bata pa ako may mahilig akong tumakbo sa pasilyo at lagi kong tinataguan sila Mama at Papa.

Sa sobrang laki nito ay pwede kang mag laro kahit saang parte ng bahay. Siya ka nitong mga araw ay tumahimik ang mundo namin, hindi na muling nag pakita ang mga lalaking yun. Kaya napanatag na ang loob naming lahat dito lalong-lalo na ako.

"Young lady pinapatawag mo pa kayo ng inyong Ama at Ina sa kanilang opisina." Napalingon ako dito.

"S-sige."

Nauna itong mag lakad at nasa likod naman ako. Pormal itong nag lalakad na parang isang prinsipe. Pero isa lang siyang tagapag lingkod ng aking mama at papa. Tumigil kami sa isang pinto na kulay brown at kulay gintong door knob.

"Pumasok na po kayo."

Tumang lang ako bilang tugon. Pumasok ako sa loob ng opisina nila Mama at Papa. Bumungad sa akin ang mga mukha nilang malumanay na naka tingin sa akin. Ano kayang problema?

"B-bakit niyo po ako pinatawag?"

Tanong ko at nanatiling nakatayo sa aking kinakatayuan. Nag tinginan muna silang dalawa bago tumingin sa akin. Bumaba ang tingin ni Mama at parang nag iisip kung sa paano niya bang paraan sasabihin sa akin.

"Ma?"

Umangat ang ulo nito at kuwan ay tumulo ang mga luha. Parang napako ako sa kinakatayuan ko ng makita si Mama na umiiyak sa harap ko. Nasisigurado ko na hindi maganda ang ibabalita niya sa akin.

Suminghap ito." Anak ang kailangan lang namin ng Papa mo ay huminahon ka sa lahat ng mang lalaman mo. Nabalitaan namin ito sa pamilya Martinez ngayon-ngayon lang. S-si Martin Martinez ay yung ex-fiance mo ay s-siya ang sumalo sa parusa m-mo." Matapos sabihin ni Mama yun ay tumulo ang luha ko kasabay ng pag hikbi ko.

"Hindi mo pa alam anak kasi wala kang masyadong alam. Dahil sa hindi nag pakasal kay Martin nong araw nayun ay binigyan ka ng parusa. Ilang taon kang pinaghahanap ng Royalty Government. Lagi kaming natataranta ng Mama mo na baka maunahan kami ng R.G . Kaya hindi kami tumigil kakahanap sayo saan mang sulok ng bansa." Ani ni Papa.

"Pero alam mo anong maganda dito, ng nalaman namin kung saan lugar ka nag tatago. Sinabi sa amin lahat ni Martin ang lahat, inamin rin niya na nasa poder ka niya. Kukunin ka dapat namin non kaya lang nag extend pa ng dalawang araw si Martin para makasama ka at madala ka sa lugar nayun." Napaluhod ako sa kinakatayuan ko at tulala parin sa lahat ng nalalaman ko.

"Anak patawarin mo kami wala kaming alam sa nang yari kay Martin. May nag sabi sa amin na pinarusahan si Martin ng matindi. Inako niya ang parusa na nararapat sayo. Hindi ko alam bakit ginawa yun ni Martin, wala naman akong nalalaman na may namamagitan sainyo. Dahil sinabi lang sa akin ni Martin na katulong ka lang niya at hanggang doon lang yun."

"P-Pa n-nasaan p-po s-siya?"

Pinilit kong mag tanong kahit sobra-sobra na ang mga nalalaman ko. Akala ko talaga pinabayaan ako ni Martin yun pala inako niya ang parusa na nararapat sa akin. Ako dapat ang nag hihirap ngayong araw nato at hindi siya.

"Nasa Japan siya anak nag ba-bakasyon."

Wala rin palang kwenta. Mapupuntahan ko siya don kaya lang hindi ako papayagan nila Mama at Papa. Kailangan muna namin mamalagi dito para sigurado na wala ng mag tatangka sa amin.

"Anak tumayo kana diyan. Hinatayin mo nalang na dumating si Martin, sasabihin naman namin sayo kung dadating siya. Ang mahalaga dito ay ang kaligtasan mo." Tinayo ako ni Mama mula sa pag kakaluhod.

"Sigurado nag hihirap ngayon si Martin dahil sa parusa sa kanya na dapat ay akin." Basag ang boses ko ng sabihin ko yun.

"Anak."

"Ma! Si Martin.... si Martin M-mahal ko siya." Halos mawalan ako ng boses n sabihin ko ang huling salita dahil sa luha na patuloy na nalalaglag sa aking mga mata.

"Shhhh..... " niyakap ako ni Mama at ganon din si Papa.

"Kung nalaman ko kaagad na ganon kabait ang mapapangasawa ko sana pumayag nalang ako na pakasalan siya. Edi sana hindi nang yari ang lahat ng mga ito sa kanya. Sana hindi siya sumugal para hindi siya nag hihirap ngayon. Lahat ng nang yayari ngayon ay kasalanan ko hindi ako nakinig sainyo nag magaling ako. Sinagot-sagot ko pa kayo ng araw nayun dahil sa ayaw kong mag pakasal. Pero Ma! Naging masaya ang araw ko ng makilala ko si Martin, siya ang nag paintinda sa aking lahat. Dahil sa kanya ay masaya ako, dahil sa kanya nag kita tayo, at dahil sa kanya buhay pa ako ngayon." Humagugol ako sa balikat ni Mama at doon umiyak ng umiyak.

Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi.














































Martinez Series #1 : Cassanova Bride (COMPLETED✔)Where stories live. Discover now