Dollhouse 039

Depuis le début
                                    

"Ichiro, h-hindi ko kaya..."

"Java naman!" naiinis na sigaw ni Ichiro. Nagdudugo na ang sugat niya. "Kaya mo 'yan. May tiwala ako sa'yo. Huwag mo na ko isipin! Kapag hindi mo 'yan tinuloy, gagayahin ko din ang ginawa ni Echo para maligtas ka!"

"Huwag.." bulong ni Java.

"Then, do it!"

"Guys, ang oras..." kabadong sabi ni Hera.

Java bit her lip and grabbed six shards in one pick. Napatakip ako ng bibig. Pati si Ichiro ay namutla. Pagsasabayin niya ang anim sa isang tusok. Seryoso?!

"Tangna. Java, anim talaga?!" tanong din tuloy ni Gunner.

"She's running out of time.." sabi ni Alpha.

"D-Do it---" naputol ang sinasabi ni Ichiro!

Mabilis siyang tinusok ng bubog ni Java sa kanang braso, malapit sa balikat. Kitang kita ko kung paano mas umagos ang dugo doon! Ang kaliwang kamay ni Ichiro ay napakapit sa upuan nang mahigpit habang nakapikit.

"Woooh. Peter, papatayin kita!"

"I'm sorry...." naiiyak na sabi ni Java saka muling kumuha ng anim na shards at binaon ulit kay Kuya Ichi. Tumalsik na sa mukha ni Java ang ibang dugo!

"H-Hindi ko na kaya manuod." bulong ko saka umiwas ng tingin. Napatakip ako ng tenga nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Ichiro.

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o  FLAME

Umiwas na ng tingin si Babe. Si Hera naman ay nakangiwi habang pinapanood. Si Gunner ay palakad lakad habang pinapanood ang dalawa at nakatingin sa timer. Si Alpha naman ay nakikinig lang. Nagdudugo na talaga si Ichiro, si Java ay naiiyak sa ginagawa niya. Shit. One minute and thirty seconds left!

"Ichiro, kaya mo 'yan.." kabado kong sabi.

Hindi ko alam kung kaya ko yang ganyan! Punyeta. Anim-anim ba naman itusok ni Java! Nasa 2 inch ata haba ng bubog like what the fuck? Baka umabot buto?! O OA lang iniisip ko?

Si Gunner palakad lakad habang pnapanood 'yong dalawa. Nahaharangan view ko. Ano ba yan!

"Gunner, ano ba! Natataranta ako lalo eh!" sigaw ko tuloy.

Inis siyang napaupo.

One minute left....

Nalabas sa screen kung ilang shards pa kulang. Sampu na lang! Takte. Ang bilis ni Java! Effective 'yong sabay sabay na plano. Paano niya naisip 'yon?!

00:00:55

May sinasabi na naman si Ichiro, nasagot si Java. Habang nagsasalita siya ay tinusok na naman niya ang limang shards.

00:00:35

Tapos kumuha siya ulit ng lima, binaon niya ulit!

00:00:10

Ubos!

May sampung segundo pang sobra.

DOLLHOUSEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant