"Kumain muna kayo dito bago umuwi." yaya ni Java.

I miss this kind of scenes.

Decagon was the best group I ever had--- and I still hate that we messed up because of my dumb decisions.

Napatingin ulit ako kay Gunner at sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. My hands looks so small when he holds it. Napahawak ako nang mahigpit sa kamay niya.

"Gunner, I think I will wake up soon but can you please kiss me one last time?"

"Anong--" Gunner looks so puzzled.

"Just one last kiss. Please." I begged.

"Babe---"

"Gunner, please--" My words were cut off when he pulled me close and kissed me gently. His hand reached my face and caressed it softly as he moved his lips with mine. Narinig kong tila nagulat ang lahat at natigil sa mga ginagawa.

"EWWWW!" umalingawngaw ang boses ni Ichiro.

"Sige. Ihatid na lang natin ang dalawa." rinig kong sabi ni Alpha kay Hera.

"Told you."

If this is a dream, can I just stay here forever?

"Hey, bilisan niyo diyan. Uuwi na tayo!" napatigil kami ni Gunner nang marinig ko ang boses ni Dorothy. She's here! Namutla ako nang makita ko sila. Kasama niya si Echo at Claude. Si Echo ay puro dugo, wala na ang mata, at si Claude naman ay sunog ang halos buong mukha at katawan

"Masaya ka na?" biglang bulong ni Gunner sa'kin.

Huh?

Napatingin ako sa kanya at puro dugo na din ang kanyang katawan. Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mata nang mapansing kong may dugo na din na lumalabas sa labi niya. Muntik pa siyang matumba habang tinatakpan ang mga sugat sa may bandang puso na tila may butas. Napakapit si Gunner sa balikat ko at napadaing muli. Nahihirapan na siyang huminga nang lumapit siya ulit at bumulong...

"Masaya ka bang nahihirapan kami, Babe?"

Napaatras ako.

Pagkaatras ko ay may nabunggo ako sa likod. Pagkalingon ko ay si Alpha na ang nasa likod ko at walang mata, nasa likod niya ang ibang Decagon. Si Java ay maikli na ang buhok at may butas sa noo. Si Flame ay sugatan at bali-bali ang buto sa katawan. Si Ichiro naman ay nakasabit na lang sa lubid malapit sa speaker, nakadilat, nakatingin sa'kin. Si Hera naman ay... katawan na lang. No. This is not real.

"Look what you did to us...." ani Alpha saka ngumiti. "But that's okay. You'll join us soon anyway."

"Huh?"

"Look...." tinuro niya ang pulso ko. Doon ko nakita na may hiwa na ulit at nagdudugo na ako. I tried to cover it but its only getting worse!

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kamay ni Gunner sa balikat ko. Muli niyang inilapit ang labi niya sa'kin saka bumulong...

"No one left behind."

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o FLAME


Okay. So nagising ako sa kakaibang lugar. May malaking bilog na mesa sa harap ko. Maraming weapons sa mesa at kung ano-anong bagay na para sa Truth or Dare siguro. May espada, iba't-ibang baril, kutsilyo, palakol, chainsaw, malalaking pako, may martilyo din, meron ding pliers, isang baso ng bubog, may daga sa isang maliit na cage, may centipede sa isang glass box. Ah basta. Panigurado may mamamatay sa'min.

Nakapaikot kaming pito sa bilog na mesa. Gising na sina Java, Hera, at Gunner. Sina Babe at Ichiro ay tulog padin. Hindi ko sure kung pati si Alpha kasi may takip mata.

DOLLHOUSEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora