Aerilon Academy

48.9K 1.6K 138
                                    

Sa isang lugar na hindi alam nating mga mortal, naninirahan ang mga mythical creatures na hindi mo kailanman aakalaing totoo.

Aerilon, iyan ang tawag sa mundo ng mga taong mayroong Sphinx o Guardians. Sila ay mga taong walang iba pang hangarin kung hindi ang protektahan ang kanilang realm.

Kahit saan ka man tumingin ay makikita mo ang mga lumilipad na mahikal na ibon. Nakakamangha rin ang naggagandahang hayop na masayang tumatakbo sa kalupaan. At sa dagat nama'y ganoon din.

Aerilon Academy, iyan naman ang pinakamataas na eskwelahan sa mundong ito. Marami pang ibang eskwelahan, ngunit masasabing ang mga estudyante nito ang pinakamalalakas.

Dito nagtipon-tipon ang pinakamatataas na antas ng mythical creatures o Sphinx. Deadly, fascinating, powerful.

Bawat estudyante rin ay mayroong taglay na elemento, depende sa kanilang Sphinx.

Air, Land, Water, Fire.

Welcome to Aerilon Academy.

Aerilon Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Votes and comments are highly appreciated ♡

Thank you for reading!

Aerilon AcademyWhere stories live. Discover now