Chapter 7 part 1

Comincia dall'inizio
                                    

“How about Jesica, did you see her?” tanong muli ni Renzo.

“Nasa Australia daw si Jesica.”

“Australia? I just saw her last week sa downtown.” Naguguluhang tugon ni Renzo.

 

“Baka dinalaw niya ang mommy niya dito, ano ang nakakapagtaka dun?” hindi alam ni Vincent kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon kaibigan.

“Dude, may nangyari sa inyo noon di ba?” hindi na rin napigilan ni Renzo ang sarili.

 

“Yes, and that was her fault. May inilagay siya sa ininom namin akala niya maloloko niya ako.” Tuwing naaalala ni Vincent ang tungkol sa drugs na ipinainom sa kanya ay nabuhay ang inis niya para sa dalaga.

Nanahimik si Renzo sa kabilang linya, alam niya kung anong klaseng gamot ang tinutukoy ng kaibigan. Ilang araw din siyang binagabag ng konsensiya niya sa pangyayaring yun nawalan din siya ng lakas ng loob na ipagtapat kay Vincent ang katotohanan.

“Baka naman nagkaanak ka kay Jesica?” pagbibigay idea nito kay Vincent.

Napakunot ang noo ni Vincent. “Ikaw kung anu-anong kalokohan ang punapasok sa ulo mo. It was long time ago hwag na natin pag-usapan yun.”

 

“But it’s not impossible, consider that idea dude. Hwag mo akong sisisihin kung sa pagdating ng panahon ay malaman ka tungkol sa bata.” Parang nakakasiguro si Renzo sa sinasabi.

“Shut up dude!” natatawang sabi ni Vincent. “Masyado ng malayo ang narrating ng utak mo.” Patuloy nito.

 

“What’s the real score ba sa inyo ni Mia?” curious pa rin na tanong ni Renzo.

 

“Bakit ba ang lovelife ko ang hinahalungkat mo? Akala ko ba liligawan mo si Jesica?” nakahinga ng maluwag si Vincent ng sa wakas ay naisingit niya ang gusto niyang malaman sa kaibigan na hindi nito mahahalata.

“Yeah, kaya lang hindi ko alam kung saan magsisimula. After the incident in the restaurant hindi ko na ulit siya nakita. Kapag nakita ko siya ngayon hindi ko na talaga palalmpasin, tinamaan ako sa babaeng yun.” Pag-amin ni Renzo ng totoong nararamdaman sa kaibigan.  

 

May kirot na naramdaman si Vincent ng marinig ang sinabi ng kaibigan, hindi niya akalain na hanggang nagyon ay may nararamdaman pa rin ito para kay Jesica. May mga sinasabi pa si Renzo sa kabilang linya pero hindi na niya naiintindihan kaya minabuti na niyang pulutin ang pakikipag-usap dito.

Nang maibaba ni Vincent ang telepono ay umupo siya sa couch na nasa gilid ng kanyang sala. Naguguluhan siya dahil masyado siyang naging apektado sa pagkikita nila ni Mrs. Tenorio, kakaiba rin ang nararamdaman niya para sa batang kasama nito. Nang akmang ipipikit na niya ang mata para makapagpahinga sandali ay inistorbo siya ng malakas na tunog ng kanyang cellphone.

“Hello?” alanganing bungad ni Vincent dahil hindi niya kilala ang nakareheistrong number sa kanyang screen.

“Hi!  sweetheart, I’m here now in San Francisco International Airport. I’ll be there in an hour.” Mababakas ang excitement sa boses ni Mia.

Samantalang si Vincent naman ay naiinis sa ginawang pagsunod ng babae sa kanya. Ito ang pinakaayaw niya sa isang babae, nasasakal na siya sa relasyon nila.

 

“You can’t stay here with me, nandito si Jesica at ayokong pag-awayan namin ang tungkol sa iyo.” Hindi alam ni Vincent kung bakit yun ang biglang naisip niyang idahilan sa babae.

“Sinong Jesica?!” galit na tanong ni Mia.

“Don’t worry you’ll meet her.” Balewalang tugon ni Vincent. Sa ngayon ay kailangan niyang maghanap ng isang babae na pwedeng magpanggap na Jesica para maitaboy si Mia sa buhay niya. 

____________________

A.N. 

Maraming salamat ^__^

If I Could Turn Back The Time (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora