New Year's Eve

3.5K 177 10
                                    


Victoria kept running even if her whole body was screaming in pain. Her sneakers pounded on the sand. She couldn’t afford to stop even for just a second or she would get caught. The sun was about to set and she needed to reach the boat that would take her away from the island.

Kapag hindi nya naabutan ang bangka sa takdang oras, hindi na sya kailanman makakaalis sa isla. Habam-buhay syang mananatili roon. Hindi na nya makakapiling pang muli si Ramcel.

Kanina pa nya tanaw ang bangkang nakadaong sa dalampasigan ngunit bakit tila napakalayo pa rin nya? She kept running towards it but it seemed she wasn’t closing the distance.

She looked to her left without slowing down. Kalahati na ng araw ang nakalubog. Kailangan nyang mas bilisan. Nang tumingin sya ulit sa unahan para tignan ang bangka, si Hector ang nakita nya. He was standing ahead of her with a devil smile on his face.

But Victoria was determined to escape him. He tried to dodge him but he was quicker. He pinned her on the sand. With all her the strength she could muster, she squirmed to get away from him but it was useless.

“Akin ka lang Victoria. Hindi mo ako pwedeng iwan. You cant escape me. I will hunt you down for the rest of your life.” His tone was cold and dangerous. “Kung hindi ka magiging akin, walang maaaring magmay-ari sayo.” Itinaas nito ang kulay pilak na punyal at buong lakas na itinarak iyon sa dibdib nya.

She screamed.




CHAPTER 42

VICTORIA

DECEMBER 31 2015

Napabalikwas nang bangon si Victoria. Kahit na panaginip lamang iyon, habol nya ang hininga. Ang bilis ng tibok ng puso nya. Ramdam pa rin nya ang takot. Akala nya hindi na sya makakaalis sa lugar na iyon.

Kahit ilang taon na ang lumipas, tila hindi pa rin sya nakakatakas sa nakaraan. Mukhang hindi na nya matatakasan pa. Nabatid nyang paminsan- minsan pa rin syang dadalawin ng takot at pangamba. Hindi nya masasabi kung mawawala ang mga masasamang panaginip pero ang pagkakaiba ngayon ay may taong yayakap sa kanya at magpapapanatag sa kalooban nyang ligtas sya.

“I’m right here. You are safe now,” Ramcel murmured as she enveloped Victoria into a protective hug.

One look on her beautiful grayish eyes would immediately calm Victoria. Ramcel’s presence was enough to take away her fears. At kahit wala ito sa tabi nya, kaya pa rin nitong pawiin ang lahat dahil alam nyang nakabalik na sya kay Ramcel. Victoria knew she finally found her way back home.

“Let’s go back to sleep.” Marahang sabi nito. “Maaga pa.”

“I’m hungry,” lambing nya rito.

Ramcel smiled. “Okay.”

Kahit alas kuwatro pa lang ng madaling araw, bumangon sila pareho at nagtungo sa kusina ng condo ni Ramcel. Nagulat sya nang pinaupo lang sya nito sa harap ng counter at ito daw ang magluluto ng breakfast.

Pinagbigyan nya ito. Natutuwa syang pagmasdan ito. Pero hindi na ito tulad ng dating parang nakikipag-away sa mantika. Ramcel was more sure of herself in the kitchen.

Medyo napanganga sya nang ihain ni Ramcel sa harapan nya ang dalawang perfectly done sunny side up at crispy bacon. Prito lang yun pero it’s an achievement dahil laging nasusunog ni Ramcel ang mga niluluto nito.

“I learned how to at least fry eggs properly. I learned from the best.” Ramcel smiled proudly.

Victoria frowned. “From the best?”

“Oh, scratch that. I learned from the second best,” she corrected herself. “Monica.”

“Bakit hindi ka sakin nagpaturo?” Sumimangot nyang sabi. Likas na talaga syang selosa at wala na syang magagawa dun.

“Eh di hindi na yun surprise,” Ramcel pointed out and sat beside her. “Speaking of Monica, I’m glad she agreed to talk to Kristine.”

Napangiti si Victoria and hugged Ramcel gratefully. “Monica had been wanting to remove that scar.”

Bukod sa pagiging manager ng Trinity Travel and Tours at Fatal Frames Photography, si Kristine ang Marketing Manager ng Ricamora Medical Group. As a Christmas gift, si Ramcel ang nagpresintang magbayad para ipatanggal nang tuluyan ang pilat sa mukha ni Monica.

Hector branded Monica that scar as a symbol that she was a damaged good. She didn’t like blood in her hands but she was glad she killed him.

“May ipapabili ka pa ba? Daanan ko bago umuwi mamaya,” sabi ni Ramcel.

“Wala na. I have everything I need.”

Naging busy ang araw nilang dalawa. It’s New Year’s Eve. Nakipagkita ito kay Olivia to eat breakfast kaya hindi ito masyadong kumain.

Dumating naman sina Helena, Samantha, Liezle at Lauren during lunchtime. Nagdala ang mga ito ng pagkain. Tradisyon na ng magkakaibigan na maglunch together tuwing Dec 31 bago matapos ang taon. Their friends stayed for three hours bago umuwi ang mga ito for last minute grocery shopping.

Victoria and Ramcel arrived at Eleanor’s home in Reichter Park at exactly 7PM. Tinulungan silang ibaba ni Badet mula sa sasakayan ang dala-dala nilang Croquette at Porchetta, na nirequest ni Lolo Leonardo at Tito Reynaldo.

Sinalubong sila ng yakap nina Tita Jam at Tita Jackie, na dumating kaninang umaga galing Baguio. Nirequest kasi ni Tita Jo na lumuwas ang kapatid nito dahil matagal na ang mga itong hindi nagkakasama.

“Natutuwa akong nagkabalikan na kayo.” Tita Jackie looked thrilled.

“Ganun talaga pag meant to be,” sabi naman ni Tita Jam. “Mabuti at bumalik ka na sa buhay ni Ramcel. Mababawasan na ang kabubusangot nya.”

Natawa sila nang inirapan ni Ramcel ang tiyahin nito.

Dumiretso sila sa kusina kung saan abalang nagluluto para sa Media Noche sina Tita Jo, Monica at pati ang Mama nya kasama ng mga kasambahay ng mga Villarances.

Kumain sila ng light dinner nang dumating ang pamilya ni Jenny. Hindi aakalain ni Victoria na mapagsasama-sama nya ang mga mahal sa buhay sa iisang lugar para magdiwang ng masayang okasyon.

Ilang minuto bago pumatak ang alas dose, hinila nya si Ramcel patungo sa hardin sa labas ng bahay. Maliwanag na maliwanag ang paligid. Dahil bukod sa mga Japanese lanterns, which reminded her of her old home back in the province, napapalamutian din ang mga halaman ng makukulay na christmas lights.

Huminto sila sa harap ng fountain na may scuplture ng dalawang diyosang magkatalikod pero magkahawak-kamay sa gitna. For some reason, naisip nyang silang dalawa iyon ni Ramcel.

Ikinawit nya ang mga braso sa batok ni Ramcel at humalik sa labi nito. “Thank you for taking me back in your life,” she whispered. Nakatitig sya sa mga mata nitong tila nagniningning lalo at nagre-relfect doon ang ilaw na nanggagaling sa pailan-ilang fireworks na pumapailanlang sa kalangitan. “I’m not sure if I deserve someone so wonderful like you. Pero araw- araw kitang mamahalin hanggang sa maging karapat- dapat ako sa pagmamahal mo.”

Marahang hinaplos ni Ramcel ang pisngi nya. “Wala kang dapat patunayan, Victoria. You deserve everything. In my heart, you are the one for me.”

Muli nyang hinagkan ang mga labi nito. “I have something for you.” Bumitaw sya rito at inilabas ang kulay asul na kahon mula sa bulsa ng kanyang denim jacket. “I bought this in Spain. It reminded me of you.” Binuksan nya ito at nakita ni Ramcel ang Lapiz Lazuli ring na may naka-engrave na mga bituin sa paligid. “When I was in the island, I used to stare at the stars in the sky. Ikaw ang naaalala ko sa tuwing titingin ako sa langit. Na kahit nasa pinakamadilim na parte ako ng buhay ko, maabot ko rin ang liwanag. The stars…the thought of being with you again gave me hope. And I swore to the moon and the stars, that I would someday reunite with you- my sun, my bestfriend, my Ramcel.”

Matapos nyang ilagay ang singsing sa mga kamay nito, hinapit sya ni Ramcel saka buong suyo sya nitong hinalikan sa labi.

Since Nine Book 3: ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon