Letting Go

3.6K 181 19
                                    

CHAPTER 13

VICTORIA

Kahit sinabi ni Ramcel na puputulin na nito ang lahat sa kanila pagkatapos ng bakasyon na ito, hindi mapigilang sumaya ng puso ni Victoria nang piliin sya nitong maging partner sa race. Hindi nya mapigilang mapangiti kanina nang sungitan nito si Travis dahil alam nyang nagseselos ito.

Alam nyang matindi pa rin ang galit nito pero hindi nya mapigilang makaramdam ng pag-asa. Kahit paulit-ulit sya nitong itulak palayo, nakikita nya sa mga mata nito, sa mga ikinikilos nitong mahal pa rin sya ni Ramcel. Ngunit hindi ibig sabihin ay babalikan sya nito. Kaya nalungkot na naman sya.

But when she remembered how Ramcel smiled after they won the race, there was that hope again. However, that hatred on Ram’s eyes crossed her mind. Wala na nga bang pag-asang bumalik sa kanya si Ramcel?

Whatever faint hope she felt suddenly died when she saw Ramcel’s death glare turned towards her. She went back where she left Ramcel after buying bottled water for both of them. Habang papalapit sya rito, kita sa mga mata nito ang matinding galit. May nagawa na naman ba syang mali?

Kinakabahan syang lumapit rito at sinalubong ang matalim nitong tingin. “R-Ram?”

Mahigpit nitong hinawakan ang braso nya saka sya nito hinila papunta sa isang parte ng tabing dagat kung saan walang tao. Nasasaktan sya pero hindi na lang sya kumibo.

“Did you plan this? Ikaw ba ang may pakana nito?!” Halos sumigaw si Ramcel sa galit.

Victoria winced. “Ram, you’re hurting me. Ano bang nangyayari?”

“Don’t play innocent. I know this is your plan.” Ramcel’s anger was so extreme and Victoria couldn’t look back. Hindi pa rin sya nito binibitawan at mas humigpit pa ang hawak nito sa kanya. “And I’m telling you now, it won’t work. Kahit tayong dalawa pa ang maiwan dito sa mundo, hinding-hindi ako babalik sayo!”

She almost fell when Ramcel let her go by pushing her. Ibinalibag din nito ang bag pack sa buhangin saka sya nito tinalikuran at iniwan.

Dinampot ni Victoria ang bag saka ipinatong sa mesang yari sa kawayan na nasa lilim ng isang puno. Binuksan nya ito at nakitang mga damit pamalit nya at ni Ramcel ang laman niyon. Jenny brought this with her. Napabuntong-hininga sya. Alam na nya kung anong nangyayari lalo nang maalala nyang hindi nya nakita ang speed boat pagkatapos nilang magkayaking ni Ramcel.

Napaupo na lang sya sa mahabang upuan na yari sa kawayan at tahimik na umiyak. Matinding lungkot ang lumukob sa kanya ng mga sandaling iyon. Ramcel hated her more than she loved her. Hindi talaga nito kayang makasama sya sa iisang lugar. It just hit her how much Ramcel despised her but she couldn’t blame her. She deserved everything.

Nag-angat sya nang mukha nang may maramdaman syang presensya. It was Ramcel. Her beautiful face no longer looked angry. She was standing few feet away from her like a fantasy. Sumusunod ang mahaba nitong buhok sa hangin. Kahit naka-long sleeved rash guard ito, litaw pa rin ang balingkinitan nitong katawan. However, unhappiness displayed on her mesmerizing grayish eyes.

Gustong-gusto nyang tumakbo papunta kay Ramcel at yakapin ito nang mahigpit. She wanted to kiss her lips. Kaso wala na syang karapatan rito.

Lumapit ito at umupo sa dulo ng upuan. Pareho lang silang tumitig sa dagat at pinanood ang mga paroo’t- paritong nagka-kayak.

Narinig nya ang malalim na pagbuntong- hininga ni Ramcel. Marahil pinipigil nito ang sariling sigawan sya. It was indeed agony for Ramcel to be just sitting near her.

“You are right…I shouldn’t have come,” Victoria said. Pinunasan nya ang mga luha. “It was stupid of me to think that you’d forgive me that easily. That you’d welcome me back.”

“You left me, Vi. I gave you everything but you broke my heart.” Hindi na nito kailangang sumigaw para iparamdam sa kanya ang galit nito. “Don’t expect me to take you back. You didn’t choose me remember? Kaya bakit bumalik ka pa?”

“Alam kong iniisip mo na napakakapal ng mukha kong magpakita pa ulit sayo at umasang babalikan mo pa.” Sumilay ang mapait na ngiti sa mga labi nya. “Tama ka. Kinapalan ko na ang mukha ko, Ram kasi mahal na mahal pa rin kita.”

“Mahal? Narealized mo lang ba bigla na ako pala ang mahal mo at hindi si Hector?” Ramcel laughed bitterly. “You married me then you fell in love with him. Anong idadahilan mo dun, dahil confused ka? Tapos ngayong wala na kayo, saka mo malalaman na ako pala ang mahal mo? Confused ka na naman ba?” Hindi nakasagot si Vi. “Hindi na ako magtatanong kung bakit pinili mo akong saktan. Malinaw mo nang nilagay yun sa sulat. So let’s end this once and for all, Vi. I want to move on.”

Nagtama ang kanilang mga mata. Parehong nangingilid ang kanilang mga luha. “I know it sounds so selfish but I’m begging you to give me another chance. Papatunayan kong mahal kita. Kung kailangan kong patunayan araw-araw, gagawin ko. Kahit habam-buhay pa, Ram…”

“Sinabi mo na sa akin yan dati. You told me I was the one for you. Na hindi mo kayang mawala ako but they were all lies. Nothing but empty words. Ang tanga ko pang umasa noon na baka magbago ang isip mo at balikan mo ko but years passed and you didn’t come back. Kung kailan tinanggap ko nang walang tayo, saka ka babalik para lituhin ako! I don’t trust you anymore. I won’t ever trust your words anymore.”

Nakita ni Vi sa mga mata nito kung gaano nya ito nasaktan. She wanted to take away the pain she inflicted. She created a deep wound in Ramcel’s heart that she was unsure if it would ever heal.

“Ayoko na. Kung pwede lang tanggalin ang letseng pagmamahal na nararamdaman ko para sayo, matagal ko ng ginawa. I don’t want to love you anymore. Pagod na pagod na akong mahalin ka. I’m just so fucking tired. Kung totoong mahal mo ko, palayain mo na ko, Vi,” nagsusumamo nitong sabi.

Kahit nakahanda si Victoria na mangyayari ito, hindi pa rin nya mapigilang makaramdam ng matinding kirot sa puso nya. But what pained her more was Ramcel’s desperate plea to be freed from her. Whatever littliest of hope she felt inside her died that moment. 

She could see how much Ramcel wanted to push her away because her mere presence caused so much sorrow. Ramcel couldn’t even bear to look at her.

“Okay…” Tumango-tango si Victoria habang naglalandas ang mga luha nya. Kung ito ang magpapasaya kay Ramcel, gagawin nya. Kung ito na ang katapusan sa kanilang dalawa, tatanggapin nya basta maging maligaya lang ito. “Okay…” Lalong bumuhos ang luha nya nang iwanan syang muli ni Ramcel.

Hindi nya alam kung gaano sya katagal na umiyak at nanatili sa pwestong iyon. Hindi na nya namalayan kung ilang oras na syang naroon. Ang sakit na nararamdaman nya ay kabayaran sa sakit na idinulot nya kay Ramcel. Kung anuman ang mga nangyayari ngayon ay bunga ng naging desisyon nya noon. Wala syang dapat sisihin kundi ang sarili nya.

Kahit tirik na tirik ang araw, napayakap sa sarili nya si Victoria. Bigla syang nakadama nang panlalamig. Hindi nya mawari kung dala ba ito nang hangin or was it the emptiness she felt inside? 

Ramcel would now remain as a daydream. She’s a happy place she could no longer enter forever. Ito ang ganti sa kanya ng tadhana. Kung dati, si Ramcel ang humahabol sa kanya ngayon binaliktad sya nang pagkakataon. At kahit anong gawin nyang habol rito, hindi na nya ito maabutan pa.

Kinuha nya ang t-shirt at shorts sa bag saka isinuot para maibsan ang lamig na nararamdaman kahit papano. Hinalungkat din nya ang bag baka sakaling iniwanan sila ni Jenny ng cellphone ngunit wala.

Nagdecide syang pumunta na lang sa registration para magtanong kung may bangkang pwede nilang rentahan para ibalik sila ni Ramcel sa resort. Nasalubong nya si Jenny habang naglalakad.

“Vi…” Nag-aalangan si Jenny. Her face was apologetic.

“It’s okay. I know you mean well but whatever happened today it was entirely my fault. Ako ang nang-iwan, Jen. I broke her heart so I have to suffer the consequences.” Sinikap nyang huwag umiyak sa harap ng kaibigan.

Malungkot na tumango na lamang si Jenny. “Bumalik na tayo sa resort.”

Walang kibuan silang bumalik sa resort gamit ang speedboat. Hindi man lang sya sinulyapan ni Ramcel. Nakatingin lang ito sa malayo. Wala pa ring nagsasalita sa kanila kahit makarating sila sa villa. Dumiretso sa kwarto nito si Ramcel at pabalibag na isinara ang pinto.

Nagmadali ring pumasok sa kwarto nya si Vi at ni-lock iyon saka muling hinayaan ang sariling umiyak. Hindi sya lumabas hanggang sa pagsapit ng dilim. Kinakatok sya ni Jenny pero hindi nya ito pinagbuksan. Nanatili lang syang nakahiga sa kama habang yakap nang mahigpit ang isang unan.

Hindi nya alam kung anong oras na nya naisipang bumangon. She took her cellphone and started dialing. “Hi Tanya,” she said softly. “If it’s not too late yet. Can you still count me in?”

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now