Past, Present, Future

4.6K 204 32
                                    

CHAPTER 2

VICTORIA

Kahit papaano nabunutan ng tinik si Victoria. Nakahinga sya nang maluwanag nang kumalma si Ramcel at pumayag itong mag-usap sila. Hindi pa maayos ang lahat pero thankful syang willing pakinggan ng asawa ang sasabihin nya.

She didn’t know what she would tell her dahil kahit sya hindi nya alam kung anong nangyari. Kahit anuman ang mapag-usapan nila, ipaglalaban nya ang pag-ibig nya kay Ramcel. Hindi sya papayag na hahantong ang lahat sa hiwalayan.

“Why don’t we have lunch? Mas malinaw tayong makakapag-usap kung hindi tayo gutom. Who knows, I might bite you,” Ramcel said and smiled but Victoria could still see sadness in her eyes. “I’ll just take a quick shower then we’ll go.”

Pagkatapos maligo ni Ramcel, sumunod naman sya. Binilisan nya ang pagligo at baka magbago ang isip nito. Natigilan si Victoria nang makitang nakabukas ang malaking closet nila at nilalagay ni Ramcel sa isang luggage ang mga damit nya.

Fear gripped her heart. “Ram? What are you doing?”

“I’m packing your clothes,” kaswal na sagot nito na hindi man lang tumitingin sa kanya.

Nag-init bigla ang kanyang mga mata. Did Ramcel change her mind? Palalayasin na ba sya nito? “Wait…akala ko ba mag-uusap tayo?” Her voice cracked.

Napatingin sa kanya si Ramcel, who was startled when she saw Victoria crying. “Hey, don’t cry.” Lumapit ito sa kanya at pinunasan ang mga luha nya gamit ang panyo nito. “Pinag-iimpake lang kita ng mga susuotin mo because we are going somewhere. Naisip kong we could use a break and talk things through.”

Doon napansin ni Victoria na may mga damit din si Ramcel sa luggage. Napayakap na lang si Victoria rito nang mahigpit. She was so scared. Just thinking her future without Ramcel parang hindi na nya kakayanin.

Hindi sinabi ni Ramcel kung saan sila pupunta. Wala nang pakialam si Victoria nang mga sandaling iyon. Kahit sa ilalim ng Mariana’s Trench pa sya nito dalhin, ang mahalaga magkasama sila nito.

Tahimik lang na nagdrive si Ramcel. Huminto sila malapit sa isang karinderya somewhere in Markina. Hindi na nagtanong pa si Victoria kung bakit dito sila nagpunta. Mukhang popular ang kainan dahil punong-puno ito at may mga naghihintay rin sa labas.

“Tita Marie!” Masiglang bati ni Ramcel sa isang matabang ginang na abala sa paglalagay ng chicken and pork abodo sa platito. Paroo’t- parito ang mga staff nito na nakasuot ng kulay berdeng t-shirt na may print na MariEatery sa harapan. Maraming putahe ang nakalaagay sa estante na mukhang masarap. Biglang kumalam ang sikmura ni Victoria nang maamoy ang mga pagkain.

“Buti nagawi ka ulit dito. Last week, dito naghapunan yung mga kaibigan mo.” Gumuhit ang tuwa sa mukha ng ginang nang makita si Ramcel. Inabot nito ang platitong may ulam sa isa nitong tauhan bago kumuha ng malaking bowl na sinimulan nitong lagyan ng sinigang na bangus. “Dumiretso na kayo sa taas. Kumatok ka na lang. Nandun si Mae-Ann. Sya na bahala sa inyo.”

“Sige po.” Hinila ni Ramcel si Victoria paakyat sa isang hagdanan na nasa dulo ng karinderya. Muntik pang mabangga ni Vi ang isang staff na may dala-dalang tray na may mga lamang plato, baso at kubyertos, buti na lang mabilis syang naka-iwas.

Gawa sa makapal na kahoy ang hagdanan. Medyo makipot at madulas kaya napahawak sa banister si Victoria habang umaakyat hanggang sa marating nila ang dulo. Kumatok sa pinto si Ramcel at pinagbuksan sila nang isang magandang dalagitang may mahaba ang buhok, na tingin ni Victoria’y nasa high school pa lamang.

“Ate Ram! Ay Direk pala…” Nagliwanag ang mukha ng dalagita nang makita si Ramcel.

“Ate Ram lang, Mae-Ann. Ano ka ba,” ngumiting sabi ni Ramcel.
Pinapasok sila ni Mae-Ann. From the adoring look on the teenager’s face, Victoria could tell she’s a fan of her wife. Napangiti na lang si Vi.

Since Nine Book 3: ShatteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon