Reconnected

4.2K 197 25
                                    

CHAPTER 41


DECEMBER 2015

RAMCEL

“Thank you for doing that for Monica,” nakangiting sabi ni Victoria habang isinasara ang butones ng red silk button down nya. Binigyan rin sya nito ng halik sa labi.

Sa bahay ni Victoria sya dumiretso kagabi pagkatapos ng script reading ng bagong pelikulang gagawin nya next month. Kay Victoria sya umuuwi kapag may time sya. Busy na rin kasi ito dahil nag-umpisa na ang construction ng restaurant nito. Lagi nitong kasama si Reese sa Antipolo to oversee things.

“It’s the least I could do for her. Pasasalamat ko yun sa kanya dahil mabuti syang kaibigan sayo,” sambit nya at sya naman ang humalik dito.

Nagpatulong si Ramcel kay Kristine, na may kilalang private investigator, upang ipahanap ang naiwang anak at asawa ni Josie, ang kasambahay na tumulong noon kay Monica.

Natagpuan ang mag-amang naninirahan sa Laguna. Ayon sa imbestigador, nakatira ang mag-ama sa nanay ni Josie. Paminsin-minsang sumasama sa contruction ang lalaki at nag-aaral sa isang pampublikong paaralan ang dalagitang anak, na tutuntong na sa kolehiyo sa susunod na pasukan.

Sinamahan ni Ramcel si Monica last week para puntahan ng personal ang mag-ama. Nagpakilala silang representative ng The 11 Foundation.

Kita nyang nagpipigil ng luha nito si Monica habang nakikipag-usap sa mga ito. Hindi man masabi ni Monica ang totoong dahilan kung bakit nawala si Josie, ginawan nila ng paraan para matulungan ang mga ito.

Sa tulong ni Olivia, binigyan ng The 11 Foundation ng pampasadang tricycyle ang asawa ni Josie at full college scholarship naman ang anak nito kaya laking pasasalamat ng mag-ama. It was an early Christmas gift.

“You’re so beautiful.” Ramcel whispered. Pinagmasdan nya ang kabuuan ni Victoria. She looked stunning on her red Burberry dress. Suot din nito ang golden sun shaped locket na bigay nya. Litaw ang mala-anghel at kaakit-akit na mukha nito dahil nakatali ang mahaba at itim na buhok nito. “Why don’t we just spend the night together at home? I prefer taking off this dress.”

Victoria laughed. “I’d love that…” she whispered back and gave Ramcel’s lips a quick kiss. “…but we can’t. Your family will be waiting.” Ramcel groaned. “My mother and Monica are also waiting. They might be wondering what’s taking us so long.” Kinuha nito ang white Gucci hand bag na regalo nya saka sya hinila palabas ng kwarto. “We have to go. Baka ma-late tayo”

Minsan hindi mapigilang mapatunganga ni Ramcel kapag magkakasama sina Tita Isabelle, Monica at Victoria dahil magpakakamalang mag-iina ang tatlo. Maging ang pamilya ni Ramcel ay natigilan nang dumating sila sa bagong penthouse ni Reese. Kalilipat lang nito last month at nagpresinta itong maghost ng Christmas dinner.

Nakaset-up sa labas ang isang mahabang glass table na punong-puno ng pagkain. Natakam si Ramcel nang makita ang malaking keso de bola at ham. They seemed to be calling out to her, begging her to get them and her stomach growled in response.

“Wow Isabelle, you look gorgeous,” bulalas ng Mommy ni Ramcel habang nagbebeso ang dalawang ginang. “Are you sure Monica is not your daugther?”

Natawa si Tita Isabelle. “Well, para ko na ring anak si Monica.”

Monica gave Tita Isabelle a grateful look. Kung wala lang ibang tao baka naluha na ito sa kasiyahan. Matagal nang ulila si Monica at sabik ito sa pamilya and she found home in Victoria and Tita Isabelle. 

After all the pleasantries, everyone settled down. When the clock struck midnight, everybody shouted, “Merry Christmas!” They were all in good spirit as they watched colorful fireworks painted the night sky full of stars. 

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now