Eleanor gave a heart warming message. She talked about family and love. “Victoria, iha, I would like to welcome you back home. Kahit kailan hindi ka nawala sa puso naming lahat. I can’t thank you enough for being there for us. For your selfless love.” Makahulugan itong tumingin kay Victoria. Sinabi na ni Ramcel sa pamilya ang lahat. Hindi sya papayag na hindi malaman ng mga ito ang ginawa ni Vi para sa kanila. “We love you, anak,” maluha-luhang pagtatapos ni Eleanor.

Napaiyak na lamang si Victoria lalo nang isa-isa itong niyakap ng mga kapamilya ni Ramcel. Bawat isa ay ipinaramdam dito na kabilang ito sa pamilya nila. Ramcel’s family will be forever grateful to the wonderful woman who captured her heart.

They exchanged gifts and Ramcel sang Christmas songs. Bottles of champagne and red wine were opened. The night was filled with laughter and joy.

“Tignan mo si Lola, akala mo kabataan pa kung magpuyat,” natatawang sabi ni Reese habang pareho silang nakatayo sa bungad ng pinto at pinagmamasdan ang lahat. Napailing na lang si Ramcel.

Nakikipagkwentuhan sina Monica at Tita Isabelle sa Mommy at Daddy nya, samantalang nagtatawanan sina Victoria, Eleanor at Lolo Leonardo. Nakasuot na ng makapal na sweater ang Lolo at Lola nya dahil malamig ang klima ngunit ayaw pa rin ng mga itong magpaawat.

“Happy?” Tanong ni Ramcel kay Victoria habang nagd-drive sya pauwi. Kung hindi pa nakaramdam ng pagod ang Lola nya ng mga bandang alas kwatro ng umaga, hindi pa titigil ang mga ito sa kwentuhan. Nakatulog na sa likod ng kotse sina Monica at Tita Isabelle.

“Very.” Victoria looked very sleepy but there’s spakle in her eyes.

They muttered “Merry Christmas” to each other before going in to their own rooms. Ramcel had a quick shower after Victoria. Matutulog na sana sila nito nang makareceive ng text message si Victoria.

“It’s Maristela. She greeted me,” Victoria shared. Medyo lumungkot ang mga mata nito. “She’s also inviting me to have dinner tonight. Just the two of us.”

Matapos maligtas ni Victoria sa isla, hindi na ito nakipagcommunicate pa kay Mayor Alonzo at sa pamilya nito. Maristela tried to get in touch but Victoria ignored her. Ilang taon na ring walang ugnayan ang mga ito.

“Don’t you want to catch up with your sister?” Ramcel asked carefully. “Naiintindihan ko kung bakit ka umiwas. Hindi mo kailangang kausapin ang buong pamilya nya. Pero ikaw na ang nagsabing si Maris lang ang naging totoo sayo.”

Walang kibo nitong ipinatong ang cellphone sa side table. “Matulog na tayo.”

Tumango si Ramcel saka humiga. Umunan sa balikat nya si Victoria at yumakap nang mahigpit. Hahayaan na lamang muna nya ito. Baka hindi pa ito handa.

At 6:30 PM, Ramcel and Victoria were on their way so Mossini, an Italian restaurant where Maristela made a reservation. Pumayag ring makipagkita rito si Vi, na medyo kabado habang nasa biyahe. Nakadaan pa sila sa mall kanina to buy watch for Maristela.

Magkahawak-kamay silang pumasok sa restaurant kung saan naghihintay na si Maristela, na medyo nag-aalangang ngumiti nang makita sila ni Vi.

“Hi.” Victoria smiled and greeted Maristela, who looked relieved and smiled back. “Merry Christmas.”

“Merry Christmas,” tugon ni Maristela saka tumayo.

Napangiti na lang si Ramcel nang magyakapan ang mga ito nang mahigpit.

“I miss you,” narinig nyang sabi ni Maristela.

“I miss you too.”

Both were teary-eyed when they broke the hug. Sya naman ang binati at niyakap ni Maristela pagkatapos. Nakahinga na rin sya nang maluwag dahil akala nya magiging awkward ang lahat.

“How are you?” Victoria asked after the waiter left to take their orders.

“I’m a teacher now. Two years na.” Maristela grinned.

“Really?!” Tuwang-tuwa si Victoria sa narinig.

Bata pa lamang ito, pagiging teacher na talaga ang pangarap ni Maristela. Nagresign ito sa trabaho at kumuha ng units para maging eligible for teaching. Nang makapasa sa Board Exam nakakuha ito ng teaching post sa San Vicente National High School.

Humiwalay na ito sa pamilya at kumuha ng rent to own malapit sa eskelahang pinagtuturuan. Pahapyaw ding nasabi ni Maristela na isa ng konsehal si Conrad samantalang natalo naman sa pagiging Gobernador si Armando noong nakaraang eleksyon. Bagamat wala itong kinalaman sa illegal na droga, nabawasan ang tiwala ng mga botante.

“Vi…” Maristela reached out and held Victoria’s hand. “I’m really sorry for what happened. Hiyang- hiya ako sa ginawa sayo ng pamilya ko. Hanggang ngayon, hindi ko mapatawad ang ginawa sayo ni Daddy. Lalong-lalo na sa Mama mo.”

Hindi nagsalita si Victoria. Marahil hindi rin nito alam kung anong sasabihin sa kapatid.  Victoria’s mother chose not to file legal actions before but she would never forgive Armando for the rest of her life. Hindi nito pinagbabawalan ang anak na lumapit sa Daddy nito ngunit si Victoria na mismo ang ayaw makipagkita kahit kailan.

“Naiintindihan kita kung ayaw mo ng magkaroon ng ano pang ugnayan sa amin. Kaya naman, thankful akong pinagbigyan mo ko sa dinner natin.” Maristela threw Victoria a grateful smile.

“Alam kong tanging ikaw lamang ang nagpakatotoo sa akin,” sabi naman ni Victoria.

Nang dumating ang mga pagkain, they dropped the subject. In-update ng magkapatid ang isa’t- isa tungkol sa pinagkakaabalahan ng mga ito sa kasalukuyan.

“I’m a big fan of your teleserye,” baling sa kanya ni Maristela. “Yan ang lagi naming pinag-uusapan ng mga co-teachers ko. Gabi- gabi naming sinusubaybayan. Fan na fan kami ng JacLea.”

“Kapag may time ka, magpasama ka kay Victoria sa set para makilala mo silang dalawa ng personal,” napangiting sabi ni Ramcel.

“Really?” Sinikap ni Maristela na huwag tumili sa excitement. “Promise yan ah.” Natatawang tumango si Ramcel. “Pwedeng isama ko yung bestfriend ko? Adik yun kay Jacques eh.”

“Sure.”

“At pwedeng magpa-autograph sayo?” Nahihiyang sabi pa ni Maristela. May dala itong DVD copy ng Against the World. Medyo naiilang pa rin si Ramcel pag may nagre-request nun sa kanya dahil hindi naman sya artista, pero pumayag sya. “Nagbabakasali lang akong isama mo sa sya nung pumayag kang magdinner,” baling nito kay Vi.

“Wow, hindi ka masyadong ready, sis,” natatawang biro ni Victoria sa kapatid nito. “Hanggang ngayon fan girl ka pa rin ni Ramcel.”

Pinamulan ng pisngi si Maristela. “I’m glad, you are back together. Kayo ang ultimate loveteam para sakin.”

Nakangiting tumingin si Victoria kay Ramcel. “I won’t ever let her go.” Kung wala lang sila sa restaurant kanina pa naglapat ang kanilang mga labi. “Pero nagpapakipot pa sya ngayon eh. We’re just friends with benefits.”

Maristela and Ramcel laughed. Habang tumatagal ang usapan ng magkapatid, unti- unting bumabalik ang pagiging magiliw ng mga ito sa isa’t- isa.

“I hope we could see each other soon or communicate more often,” Victoria said when they walked Maristela over to her car.

Bakas ang kasiyahan ni Maristela sa narinig. “I’d like that.”

Muling nagyakap ng mahigpit ang magkapatid bago tuluyang naghiwalay. Pinauna muna nilang umalis si Maristela saka sila naglakad patungo sa sasakyan ni Ramcel.

Nakapaskil ang ngiti sa mga labi ni Victoria at mas nadagdagan ang kislap sa mga mata nito. Natutuwa si Ramcel na makitang umaabot na sa mga mata nito ang saya sa tuwing ngumingiti ito. Lihim syang humiling na huwag na sanang bawiin pa ang mga ngiti nito.

“What are you thinking?” Victoria asked. Nasa harapan na pala sila ng kotse nya.

“You’d sue me for sexual harassment,” biro nya at kinindatan ito.

She heard Victoria’s melodic laugh once again before the night ended.

**Note: Hanggang dito na lang po muna. Halata naman ng patapos na to. Sa Dec 24 ko na ipu-publish ang final chapter. Yung tipong busy kayo sa preparation ng kakainin nyo sa noche buena. Haha. Charot lang. Bukas na lang ulit dahil may bagyo. Anong connect? Basta bukas na lang :) Keep safe and dry everyone.

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now