Victoria was disappointed when Ramcel took her gaze away from her. Umayos na rin sya nang upo. Ibinaling na lang nya ang tingin sa labas ng bintana.

Ilang sandali lang ay pumasok na ang coaster sa isang private road na may mga palm trees sa magkabilang gilid ng daan. Then the vehicle passed the white iron gate of Recuerdo, an impressive 5 hectares Spanish style resort. It is also home to at least 30 heritage houses, plucked from their original sites and brought to the vast property. Isa ang resort sa mga negosyo ng mga Recuerdos, ang pamilyang pinanggalingan ni Joshua.

The resort offered historical tour with buffet lunch. People could go on a day tour or stay overnight on one of the classic Spanish style houses. Guests could roam around by renting bikes and riding kalesa or one of the golf cart like vehicles.

Hinatid sila sa reception ng resort para makuha ang room assignments nila. Pagkahintong-pagkahinto ng coaster sa harap ng building, agad na tumayo si Ramcel at bumaba. Victoria was a little hurt when Ramcel didn’t even glance at her nor waited for her.

Hindi rin sya nito kinakausap habang naghihintay sila sa lobby. Ramcel was suddenly distant. She tried asking her if she was hungry because there’s few ensaymada left but Ramcel only shook her head without sparing her a glance. Inabala nito ang sarili sa pagbabasa ng email sa cellphone.

“Don’t mind her,” Lauren whispered. “Baka may sumpong na naman. She’s bipolar,” she added then winked at her.

Victoria forced a smile. Hindi na lamang nya masyadong pinansin ang ikinikilos ni Ramcel. She’d been like that after they reconciled as friends. Minsan parang dati lang kung magbiruan sila at magkwentuhan then Ramcel would suddenly be aloof.

There were instances they almost kissed but Ramcel would suddenly pull away just like what happened earlier. Handa naman syang maghintay kahit matagal hanggang sa tanggapin nitong muli ang pag-ibig nya. May pag-asa pa rin sa puso nya kahit pa may posibilidad itong umibig sa iba.

She had to look away when a very beautiful woman approached and started talking to Ramcel, who looked delighted. Nagbeso pa ang mga ito.

Tinanong na sya ni Jenny kung kakayanin ba nyang manatiling kaibigan ni Ramcel kung ibang babae ang makatuluyan nito? It was already killing her just by thinking about it. Paano pa kaya kung totohanan na?

Akala ni Victoria magagalit si Ramcel nang malaman nilang sa iisang bahay sila naka-assign nito. Walang kibuan silang hinatid ng isang staff doon. The casa had spacious living room and two bedroom upstairs overlooking the beach.

Gusto sana nyang yayain si Ramcel na libutin ang resort kaso naunahan na sya nito. Nagsabi itong lalabas lang to meet someone. Hindi na nakapagsalita pa si Victoria at napatango na lang. She was a bit disappointed. Akala nya makakapagbonding sila nito.

Tatawagan sana nya si Helena kung may planong lumabas ang mga ito but she changed her mind.

Nawalan na sya nang ganang mamasyal kaya nagkasya na lamang syang magbasa ng dinalang paperback novel sa sala. Lumabas lang sya nang magsend ng message si Jenny para kumain ng lunch sa restaurant ng resort.

Sumakay sya sa napadaang tram kung saan nakasakay din sina Samantha at Helena. Nakapaglibot na raw ang dalawa habang mas pinili nina Liezle at Lauren na manatili lamang sa casa kagaya nya.

May apat na in-house restaurant ang resort na pwedeng pagpilian ng mga guests. Sa Italian restaurant sila sinabihang pumunta ni Jenny, na nandoon na nang makarating sila at nakapagreserve ng nga table.

Parang kinurot ang puso ni Victoria nang makita si Ramcel na nakikipagkwentuhan sa magandang babaing lumapit dito kanina. Tumango ito kina Helena at Samantha pero ni hindi man lang sya nito tinapunan ng tingin. Nasa babae lamang ang atensyon nito. They were deep in conversation about arts.

“She looks familiar,” bulong ni Samantha kay Victoria, na napatitig ulit sa mukha ng babaing kausap ni Ramcel.

“Pasensya na kayo guys if Ramcel forgot her manners,” Jenny said a little loudly. Napatigil sa pag-uusap ang dalawa. Medyo nagblush pa ang magandang babae. “Girls, I want you to meet Dominique Encina.”

Dominique smiled and shook hands with them one by one as they introduced themselves. Jenny told them that Dominique’s family owned Encina Corporation. Kasosyo din ang mga ito sa ilang businesses ng mga Recuerdos. Sponsors sa kasal ang parents nito at sumama lamang sa paghatid sa mga ito sa resort.

“I’m really sorry. Kapag arts na ang pinag-uusapan medyo nawawala na ang lahat sa paligid ko,” Dominique said apologetically.

“Baka naman dahil masyado kang focus kay Ramcel,” Victoria thought grumpily.

“I’m sorry?” Dominique asked her from across the table. Ramcel looked amused.

“Shit! Did I say that out loud again?” Lagi talaga syang pinapahamak ng bibig nya. “I mean, if it’s something you are passionate about, you wouldn’t care about the world. It’s not often to find someone to talk to who could understand.”

“Right!” Dominique said delighted. “And I’d love to talk to you too all day.” Natigilan si Victoria sa sinabi nito. “I started following you on Instagram after I tasted your Beef Wellington during Fiesta Week. Kung alam ko lang na magkakilala kayo ni Ramcel, matagal ko na syang kinulit na ipakilala ka sakin.”

Habang nag-uusap sila nito tungkol sa mga dishes nyang na-try nito sa Fiesta Week, naintindihan nya kung bakit nagustuhan ito ni Ramcel. Dominique was very classy and yet humble. Bukod sa maganda, matalino rin ito kaya bagay na bagay ito kay Ramcel.

Nang dumating sina Lauren at Liezle, umorder na sila ng pagkain. Tuloy lang ang kwentuhan. Naglakad-lakad sila sa labas pagkatapos sa gilid ng man-made lake. Kumukuha rin sila ng mga pictures paminsan-minsan.

Victoria found Dominique’s company enjoyable. Napansin nyang kahit nakangiti ito, may kalungkutan sa mga mata nito. Kinuwento nito kung paano nito nakilala si Ramcel, na nauuna sa kanila kasabay si Lauren. Tila may seryosong pinag-uusapan ang mga ito tungkol sa investment at Big Three Productions.

Pagkatapos nilang mag-exchange ng number ni Dominique, nagpaalam na ito sa kanila dahil babalik na ito ng Manila. Humiwalay naman sa kanila sina Jenny, Samantha, Helena, Lauren at Liezle para magrelax sa spa.

Tumanggi silang sumama ni Ramcel, na nagsabing mas gusto nitong matulog. Sa halip na sumakay, naglakad na lang sila pabalik ng casa. Pinili nilang dumaan sa pathway na naliliman ng mga puno.

Si Dominique pa rin ang pinag-uusapan nila. Lihim syang nasasaktan dahil may affection sa boses ni Ramcel. Nagkakasundo ang mga ito pagdating sa usaping sining. Victoria liked Dominique too. Kaya kung magkagusto man rito si Ramcel, maiintindihan nya.

“D-Do you like her?” Marahan nyang tanong kay Ramcel, who nodded smiling. Something inside Victoria crumbled. “Bagay kayo.”

Napatigil sa paglakakad si Ramcel sa sinabi nya. Huminto rin sya. “It’s not what you think, Vi.” Her grayish eyes twinkled in amusement. “I don’t like her romantically. She’s not my type.” Ramcel looked at her meaningfully and it made Victoria’s heart pound hard.

Lalo pang lumakas ang tibok ng puso nya nang hawakan ni Ramcel ang kanang kamay nya saka nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman nya ang kuryenteng unti-unting dumaloy sa kabuuan nya. Sana umabot sya sa casa nang hindi nahihimatay dahil mukhang wala itong balak bitawan sya.

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now