2015
MADRID

Victoria woke up when she heard a loud bang. Bigla syang napabangon only to find Tanya picking up her clothes on the floor and putting it back in her luggage. Panaginip na naman.

“Sorry. Nabitawan ko kasi,” Tanya said apologetically. Nang maibalik ang mga damit, binuhat nito ang luggage sa edge ng kama para ayusin. “Since gising ka na, I’ll order us some breakfast. What do you want?”

“Tuyosilog.” Nagawa nyang magbiro dahil sumagi sa isip nya si Ramcel.

Tanya rolled her eyes. “Miss mo na ata ang Pilipinas. Buti na lang uuwi na tayo.”

Gusto pa sanang mag-extend ni Victoria at lubusin ang bakasyon but she couldn’t leave her catering business for too long. Nakakahiya kay Monica. Jenny also sent her a message that she’d like to have dinner with her and talk about the wedding. Na-guilty na naman sya dahil hindi naging maganda ang bakasyon nilang tatlo. Napaisip tuloy sya kung tama bang bumalik pa sya sa buhay ng mga kaibigan.

Victoria and Tanya enjoyed churros and café con leche before going out of the hotel to buy more souvenirs at the Rastro, Madrid’s famous outdoor market.

Vi bought coloful shawls and fans then she went in a shop that sold charms and accessories. Yesterday, they stopped by Chocolat and she bought a lot of chocolate bars she’d melt for her homemade churros.

She was thinking of getting something for Ramcel when her eyes caught a silver ring with a deep celestial blue stone on it. She took it to look at it more closely. There were stars carved around the band. It was beautiful.

“Nice choice, Senorita,” sabi ng isang babaing Espanyola na nakasuot ng flowy dress. Napatingin si Victoria sa maamong mukha ng babaing tingin nya’y nasa late forties na. “That stone is a Lapis Lazuli.” In broken English, the woman told her that it is a universal symbol of wisdom and truth.

Victoria bought it because of the stars on it. They reminded her of Ramcel. When she was in that dark place, Ramcel had been her star. The only light that gave her hope.

Hindi nya alam kung maibibigay nya ang singsing rito. For now, itatago muna nya ito hanggang sa dumating ang panahon na tanggapin sya nitong muli kahit kaibigan man lang.

Nag-offer si Jenny na sunduin sya sa airport para doon daw sya magdinner kaya naman natigilan sya nang makita si Ramcel, who really looked gorgeous on her black slacks, white v- neck blouse topped with black blazer and paired with high heels. Nakalugay ang mahaba at makintab nitong buhok. Magkasalubong ang malago at perfect nitong kilay habang nakikipag-usap sa cellphone nito. May paghangang gumuhit sa kulay abo nitong mga mata nang makita sya.

Medyo naconcious si Victoria nang pagmasdan sya ni Ramcel mula ulo hanggang paa. Nang magtama ang paningin nila, tila nawala ang lahat sa paligid nya. She was relieved nang walang makitang galit sa mga mata ni Ramcel. Pero bakit ito narito?

Nagpaalam ito sa kausap nito sa cellphone nang tuluyang makalapit sya. Sumenyas itong sandali lang at may tinawagan ulit. “Palabas na kami,” Ramcel said then ended the call and turned to her. “Hey.”

“Hey,” medyo awkward na sabi rin ni Victoria. Hindi sila parehong kumibo. Napatitig lang sila sa mata ng isa’t- isa. Hindi nya alam kung gaano sila katagal na ganun hanggang sa marahan syang siniko ni Tanya, na ngingiti-ngiti. “Oh, Ram…this is Tanya. R-Remember her?” Nag-init ang mukha nya dahil nakalimutan nyang may kasama nga pala sya.

Napilitan ding alisin ni Ramcel ang tingin sa kanya para balingan si Tanya. “Of course, I remember. Nice meeting you again.” They shook hands. “How’s your trip?”

Victoria watched as Ramcel attentively listened to Tanya’s summary of their trip. She had to grip her luggage tightly because she had the urge to kiss Ramcel’s kissable lips. Smelling her Lightblue didn’t help either.

“Jenny asked me to pick you up para sabay na tayo,” Ramcel explained. “I’ll drop you off,” she turned to Tanya.

“Naku, huwag na. I’ll be okay,” tanggi ni Tanya. Napailing na lang si Victoria dahil kinilig ang kasama. When they started hanging out together, umamin si Tanya na may crush ito kay Ramcel.

“I insist,” Ramcel said firmly. There was a finality on it kaya hindi na rin nakatanggi pa si Tanya. “Let’s go.” May gumapang na kuryente sa katawan ni Vi nang masagi ng kamay ni Ramcel ang kamay nya nang kunin nito sa kanya ang hawak na luggage. Bigla din tuloy syang napabitaw kaya nagawa nitong hilain ang dala nya.

“Ang hot nya,” Tanya mouthed. Natawa ito nang kinurot nya sa tagiliran habang nakasunod sila kay Ramcel.

Nang huminto sa harapan nila ang isang magarang itim na BMW, gusto nyang sabunutan si Tanya dahil inunahan sya nitong sumakay sa passenger’s seat pagkatapos ilagay sa compartment ang mga gamit nito. She ended up with Ramcel at the back seat.

Napuno ng awkward silence ang kotse. Paminsan-minsan lang nagsasalita si Tanya para i-guide ang driver ni Ramcel. At lalong napuno nang katahimikan ang sasakyan nang maihatid si Tanya sa condo nito along Roxas Blvd.

Hindi rin siguro nito malaman ang sasabihin sa kanya kaya binuksan ni Ramcel ang satchel bag na nasa pagitan nilang dalwa at naglabas ng script saka nagsimulang magbasa. Victoria’s heart soared a little when she saw the bag. It was the same one she gave Ramcel many years ago. Ginagamit pa pala nito. Akala nya itinapon na nito lahat nang magpapaalala rito sa kanya.

Napahaplos si Victoria sa sarili nyang braso dahil kahit nakasuot sya ng body fitting long sleeved turtle neck, nanuot ang lamig.

“Here.” Narining nyang sabi ni Ramcel. Hinubad pala nito ang suot na blazer at inaabot sa kanya. Napatitig muna sya sa mukha nito bago kinuha ang ibinibigay nito. Napatingin rin sya sa makinis nitong braso na na-exposed lalo dahil naka-sleeveless pala ito. “Don’t mind me. I love the cold,” sambit nito sa ibinaling ulit ang pansin sa binabasa.

Isinuot nya ang blazer nito. Napapikit pa sya when she inhaled Ramcel’s scent. Kahit hindi sila nag-uusap, nakuntento na syang nasa malapit lang ito. Nakaidlip din sya sa sobrang tagal ng traffic. Ginising lang sya ni Ramcel nang nakaparada na ang kotse sa driveway nina Jenny.

Sinalubong sya nang yakap ni Jenny pagkababang-pagkababa nya ng kotse. Wala raw ang parents nito dahil nagbabakasyon sa Palawan.

Nauna silang pumasok ni Jenny sa bahay dahil may kausap na naman sa cellphone nito si Ramcel. “Bakit mo naman ako pinasundo sa kanya? Nakakahiya. Buti hindi nagalit.”

Amused na napatitig sa kanya si Jenny. “Is that what she told you? Na pinasundo kita sa kanya?” Tumango si Victoria. “Wag kang maniwala dun. She volunteered.” Saka sya nito kinindatan.

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now