Kabanata 23

4.4K 199 68
                                    

TUMIGIL si Sushi sa paglalakad nang makita ang ama sa lobby. Nasa second floor siya at kita niya mula roon ang pagpasok ng ama. Pati ang assistant niya ay napatingin din sa tinitignan niya. May kasama itong matangkad na lalaki na sa tingin niya ay kasing edad lang din ni Pier.

The man was wearing a dark gray suit. Kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang angking karisma at kagwapohan nito. He look foreign lalo na't asul ang mga mata nito. Sino ang kasama ng papa niya?

"Ang guwapo," narinig niyang komento ni Lheng.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at nagpatuloy sila sa paglalakad. Agad na sumunod ang sekretarya sa kanya.

"Lheng."

"Yes po, ma'am."

"Alamin mo kung sino ang lalaking kasama ng Papa ko."

"Yes po, ma'am."




"HE'S Iesus Cloudio de Dios from de Dios Real Estate Property o mas kilala as dD Land," imporma sa kanya ni Lheng.

Yes, she's familiar with de Dios Real Estate. Sa naalala niya ay ilang beses nang nakipag-set ng meeting ang ama niya sa owner na si Jose de Dios. But there was no progress for they're not considering a partnership with any companies at the moment.

Alam niyang balak ng ama niyang pumasok sa real estate at magtayo ng sariling condominium residences. Matagal na nito 'yong gusto but he was eyeing for a partnership with the de Dios. dDLand is the most well established and successful real estate developer in the country.

She has heard about the mysterious Iesus Cloudio de Dios. Ito na ang namamahala ng dDLand and he doesn't often show himself in public. Ni hindi ito nagpapa-interview o nagpapakuha ng litrato. He is even one of the top young billionaires in Asia.

"Sabi po ni Cess," tukoy nito sa secretary ng ama niya. "Matagal na raw pong hinihintay ni Sir Lemuel si Sir Iesus na makabalik ng Pilipinas." Kumunot ang noo niya. Bumalik sa isipin niya ang mga sinabi ng Papa niya.

"Sasabihin ko sa'yo kapag napakilala ko na kayo ng pormal. Hinihintay ko pa ang tawag niya. He's still in a business meeting outside the country."

At kababalik lang nito sa Pilipinas.

"Na i-set ko na ang dinner date n'yong dalawa ng lalaking gusto ko para sa'yo, Sushi. Kababalik lang niya ng Pilipinas. Free your schedule next weekend."

Hindi kaya?

Mariin niyang naipikit ang mga mata. Kung tama ang kutob niya baka ito ang lalaking gusto ng ama para sa kanya. Nahilot niya ang sentido. Hindi siya na-e-stress sa trabaho. Mas na-e-stress siya sa buhay niya.

Naimulat niya ang mga mata. Saktong pagtingin niya sa cell phone ay tumatawag si Pier. Inabot niya ang cell phone at iniangat ang mukha kay Lheng.

"Thanks, you may go back to your table." Lumabas ng opisina niya ang secretary. Sinagot niya naman ang tawag ni Pier. "Hi, napatawag ka?" Tinignan niya ang oras sa laptop niya. Kumunot ang noo niya. Bakit ito tumatawag? He's supposed to be with her father right now. It's already 2 pm.

"Your father cancelled our meeting. Nasa labas ako ng Costales." Narinig niya ang pagtawa nito pero ramdam niya pa rin ang dismaya sa boses nito. She suddenly felt bad about it. "May emergency meeting raw siya. Babalik ako bukas."

It must be because of Iesus.

"Are you okay?"

"Kumain ka na ba?"

"You're not okay."

"I'm fine," pilit nitong pinasigla ang boses but it was no use. She's still not convinced. "Did you eat your lunch o baka nag-skip ka na naman?" pag-iiba nito.

THE HEIRESS POOR CHARMING - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon