Kabanata 1

10.1K 320 52
                                    

DIRE-DIRETSO at mabibilis ang mga lakad ni Sushi nang makapasok sa Costales building. Ni isang empleyado ay walang nangahas na lumapit at sumabay sa kanya. Everyone can hear the loud click-clack of her 3 inch high heels on the marble floor. Don't they dare mess with her today kung ayaw ng mga itong mawalan ng trabaho. Dahil hinding-hindi siya magdadalawang-isip na i-fire ang kung sinong magpapainit nang husto sa ulo niya.

Nasa harap na siya ng elevator.

Humigpit ang hawak niya sa Starbucks coffee cup sa kamay niya. She immediately rushed in here nang mabasa ang message ng kanyang ama. She didn't like any of those words despite his father's well-constructed sentences.

Bumukas ang pinto ng elevator at natigilan ang kaisa-isang sakay nun. Nanlaki ang mata ng lalaking empleyado sa pagkagulat. Naningkit ang mga mata niya at mabilis na nabasa ang department nito sa suot nitong ID.

He gulped.

Tumaas naman ang isang kilay niya rito.

"Are you just going to stay in that elevator all day?" mataray niyang tanong sa lalaking empleyado.

"H-Hindi po," he stuttered. Alanganing ngumiti ito at natatarantang lumabas ng elevator at tumayo sa gilid para hindi makaharang. "Good morning po, Ma'am Sushi." Yumuko ito pagkatapos siyang batiin.

"What's so good in the morning?" iritado niyang balik.

Pumasok siya sa loob ng elevator at mabilis na pinindot ang 11th floor kung na saan ang opisina ng kanyang ama. Nang sumarado ang pinto ay marahas na napabuga siya ng hangin at pinaypayan ang sarili gamit ng libreng kamay.

"God, I can't believe this!" Inis na inis siya. "Seryoso ba talaga siya?"

Natuon ang atensyon niya sa repleksyon niya mula sa elevator. She grimaces in disappointment. She didn't even have the time to pick a perfect outfit for today. She wore a simple white short-sleeved blouse with a loose ribbon on its neckline and a pastel pink white rose pencil skirt. Nakapatong ang kapares na blazer ng pencil skirt niya sa mga balikat.

She tucked a loose strand of hair behind her ear. Muli siyang napangiwi. Ni hindi nga niya na plantsa ang hanggang leeg na buhok. It looks so plain and boring. Even her light makeup didn't even compliment her dull hair.

Kung hindi lang niya nabasa ang message ng kanyang ama baka nakapag-ayos pa siya nang maayos. She was sure her father sent that message when she was already asleep. Nang lumabas siya ng silid niya ay wala na ito sa mansion.

Naipikit niya ang mata at nahilot nang mariin ang sentido.

Ano naman kaya ang pumasok sa isip ng ama ko at bigla-bigla na lamang niya akong ipapatapon sa ibang lugar? God, na-e-stress ako! Argh!

Naimulat niya ang mga mata nang marinig ang pagtunog ng bell.

Bumukas ang elevator at bumungad sa kanya ang maluwag na palapag ng opisina ng ama niya. Mabilis na tumayo si Princess ang sekretarya ng ama niya mula sa likod ng mesa nito. Halatang nagulat ito sa pagdating niya.

May dalawang mesa sa labas ng silid ng Chairman's Office. Isa sa executive secretary nito at isa naman kay Karl na personal bodyguard ng ama niya. Wala ito sa labas kaya malamang nasa loob ito, kausap ang chairman.

"Ma'am Sushi -" Mabilis na tinaas niya ang isang kamay para patigilan ito sa kung ano mang sasabihin nito at dire-diretsong tinungo ang direksyon ng pinto ng chairman's office.

Marahas at may puwersang binuksan niya ang pinto.

"Sushmita, anak!" masayang bati ng ama niya mula sa mesa nito. Ni hindi ito nagulat sa pagdating niya. Ah, her father must have seen this beforehand. "Bakit pumasok ka pa? Hindi ba sa susunod na araw na ang flight mo pa Iloilo?"

THE HEIRESS POOR CHARMING - COMPLETENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ