Kabanata 21

4.3K 194 19
                                    

"CLEAR all my schedules today," agad na utos niya sa secretary niya nang lumabas silang dalawa ni Pier mula sa private office niya. Nakasunod ito sa kanya dala ang Hermes hand bag niya. "If Papa looks for me, tell him may meeting ako sa labas."

"Bagay ba sa'kin?" nakangiting tanong ni Pierce kay Lheng. He was referring with her hand bag on his arm. "Magkano kaya 'to?"

Natawa naman si Lheng. "Five hundred thousand po yata o one million."

"Ginto ba 'to?" halos pasigaw nang tanong sa kanya ni Pier.

"That bag is their latest design. The diamonds intricately adorn in this bag. No, it's not as expensive as gold but it's still valuable as any jewelry."

"Sinong bibili ng gan'to ka mahal?"

"Si Ma'am Sushi po, Sir Pierce."

Tinignan niya ang dalawa. There is something off with these two. "Wait, magkakilala ba kayo?" That makes sense now. She never mentioned Pierce with Lheng nor showed her a photo of him. How come?

"Ah... eh... kasi po..." Alanganing tumingin si Lheng kay Pier.

"Pier?" baling niya rito.

"I'll explain later. Halika na." Hinawakan nito ang kamay niya. "Thanks Lheng, I owe you this one."

"No problem Sir Pierce, basta po ayusin n'yo po pag-explain kay Ma'am Sushi. 'Yong klaseng explain na hindi po ako masisisanti."

Natawa si Pier. "Don't worry, I got you."

Napaglipat-lipat ang tingin niya sa dalawa kahit na inaakay na siya ni Pier palabas.

"What was that? What did I miss?"

"You missed me," nakangiting sagot ni Pier sa kanya na may kasama pang kindat. Imbes na mainis ay natawa lang siya. Bwesit talaga 'tong lalaking 'to minsan e. Well truth be told, she really missed him. "Huwag mo ng dalhin 'tong mema mong bag baka ma snatch pa 'to sa daan."

"Anong mema?" kunong-noong tanong niya.

"Memahaling bag," tawang-tawa ito sa sagot nito.

"Ewan ko sa'yo!"

Ang 'sang to, ang daming pun na nalalaman.




PIER insisted to drive her car. Hindi nito kabisado ang daan pero magtulungan na lang daw sila. Ito magda-drive, siya ang taga-instruct ng direksyon. They're headed in Costales mall. Nagpapasama itong mamili ng formal suit. She's not sure kung saan nito 'yon gagamitin. He hasn't explained anything yet.

"Sorry kung 'di ako nagparamdam sa'yo nitong mga nakaraang araw –"

"Let me correct that," putol niya, "hindi days, but almost two weeks po."

"I know, but kinakamusta naman kita mula kay Lheng." Sa tuwing nagsasalita ito, he would occasionally glance at her. "Don't scold your secretary. It was my request not to tell you. I assumed na busy ka talaga dahil sa mga pending works na naiwan mo. Ayoko ring makaabala sa'yo."

"Hindi ka abala sa'kin."

He smiled. "I know, but something came up." Nakita niya ang pagseryoso ng mukha nito. Mukhang malaki ang problema nito ngayon. "Halos lahat ng mga kliyente namin ay nagdesisyong huwag na sa amin bumili ng mangga. It was pretty normal at first, may mga ganoong instances naman talaga. Masyado akong naging kampante. My fault. I reviewed our book, doon ko napansin na may mali. I had to compare it with your written observations and realize na mas mababa ang kita ngayon at madaming nag-decline na umangkat ng mangga."

THE HEIRESS POOR CHARMING - COMPLETEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt