Kabanata 2

6.3K 281 54
                                    

LITERAL na nanlaki ang mga mata ni Sushi nang makita ang malaking puting cartolina na may malaking pangalan niya. Ibinalik niya ang sunglasses na hinubad niya kanina at ibinaba ang visor ng suot niyang wide brown brim hat para matakpan lamang ang kanyang mukha. Lihim siyang napangiwi.

Is it really necessary to welcome her with that cheap paper and poor hand writing?

Habang tinutulak ang luggage cart ay sinilip niya ang may hawak ng cartolina. Nanghahaba ang leeg nito sa kakasilip sa mga taong lumalabas mula sa exit. Tumaas ang isang kilay niya nang mabisitahan ng tingin ang kabuoan ng lalaki.

Napahinto siya.

Is he Lolo Manuel's grandson?

Nakasuot ng lumang denim jacket ang binata, sa ilalim nun ay isang kupas na gray sando. The guy matched it with a black jeans and a black sneakers na halatang lumang-luma na. His hair was messy, mukhang kagigising lang nito.

Had he taken a bath? Nagsipilyo na ba ito? God, umagang-umaga na i-stress siya sa sundo niya. Well, he should at least wore a more descent clothes and wash his face. He looks like a gangster on streets than a normal man.

"Aw -" she yelped and grimace when a good for nothing middle-aged man walk past her like she did not exist. Nahulog ang sunglasses niya sa sahig at lumipad naman ang suot niyang wide brim hat. "Oh god! Tell me this is not happening."

"Oh! Sushi!" Napangiwi siya nang marinig ang baritonong boses na 'yon. Mabilis na pinulot niya ang salamin sa mata at ang kanyang sosyal na salakot. "Sushmita Costales!" O, don't you dare shout my full name - "Sushmita Marigold Costales!" O, no, he did!

Marahas na tumayo siya para lang mapaatras. Paano ito nakalapit sa kanya nang ganoon kabilis? Bumungad sa kanya ang matangkad nitong pigura. He was really tall. Matangkad na siya pero hanggang leeg pa rin siya nito.

Ibinaba nito ang hawak-hawak na cartolina. Ang hindi niya lang ma-gets ay kung bakit nagka-oras itong mag-drawing ng madaming mangga sa paligid ng pangalan niya. This guy is weird. Matapang na inangat niya ang mukha sa lalaki. May malaking ngiti ito sa mukha.

He was ruggedly handsome, in all honesty.

Matangkad at medyo moreno. Magulo ang may kahabang kulay brown nitong buhok. Makapal ang kilay nito at may matangos na ilong. He had a deep set of light brown eyes. She could almost see herself from those golden light brown eyes. Mahahaba rin ang mga pilik mata at mukhang walang tulog dahil sa eyebags nito. There is something with his smile; tila ba may kalokohan na laging nabubuo sa likod ng isip nito.

Nevertheless, he still looks poor but charming enough in her eyes.

"Let me guess," basag nito, nanatili pa rin ang ngiti sa mukha nito.

"What?" she keeps a monotone voice.

"Hindi ako pumasa sa taste mo?"

Tinitigan niya ito sa mukha. "It's already too obvious. You don't need to guess it." Tumawa ito. Hindi niya alam kung bakit. Hindi naman siya nag-joke. "Where's your car?" pag-iiba niya.

Tumabi ito it itinuro ang isang asul na lumang pickup truck. May ilang box pa at basket ng mga mangga sa likod nun. Muntik na siyang matapilok sa kinatatayuan niya kahit na naka strapped sandals lang siya at hindi naman siya naglalakad.

Is this man even serious? It took her an hour to pick a perfect summer dress for her airport OOTD and this man wanted her to ride an old pickup truck? Saan nito ilalagay ang mga bagahe niya? Sa likod? With all those mangoes? No way!

"Ang dami mo namang dala. Sasali ka bang Miss Universe?" Binilang nito ang mga maleta niya. "One, two, three, four... five. Wow!" Namilog ang mga nito sa amusement. "Dinala mo ba pati bahay n'yo?"

THE HEIRESS POOR CHARMING - COMPLETETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang