Kabanata 5

5.1K 255 84
                                    

SUNDAY, nagsimba sila Pierce at Sushi. At ang lalaki, akala mo kakandidatong mayor. Kung makapakilala sa kanya para siya nitong first lady. Halos lahat nang mga um-attend sa misa ay kilala si Pier. Ilang kamay na ba ang nahawakan niya nang mga oras na 'yon? Sa sobrang dami, she lost count already.

Pagkatapos sa simbahan ay dumiretso sila sa palengke. It's just a walking distance from the church. Mainit kaya nag-payong siya. She didn't bother sharing the umbrella to Pier. Makapal naman balat nito. He has more melanin. He can take care of himself.

"So ito ang palengke," nakangiting hinarap siya nito, nakumuwestra ang isang kamay sa entrada ng wet market.

"Mamalengke ba tayo o mag-to-tour-guide ka?" pabalang na tanong niya.

"O, chill, kakasimba pa nga lang natin high blood ka na naman. Ibaba ang dugo. Sayang ang ganda mo kung bubusangot ka na naman."

"Maganda naman talaga ang umaga ko pero kapag nakikita ka nabubwesit talaga ako." Tinawanan lang siya nito. Right, the typical reaction she gets from a typical man like him. Ano pa bang bago? "Halika na, mamalengke na tayo at nang makauwi na. I don't want to stay long under this freaking heat of the sun." She walks past him.

Agad na sumunod ito at umagapay sa kanya.

"Marunong ka bang mamalengke?"

"As long as you have money, then you'll be fine."

"What about the quality of your goods?"

"Alam mo ang kaibihan ng pamamalengke sa pag-go-grocery, Pier?"

"Ano?"

"Aircon, 'yon lang ang kaibihan. Don't exaggerate things, okay? I may have grown up with a silver platter and maids assisting my everyday life, but that doesn't mean I'm a brainless señorita who couldn't survive in a commoner life. Hindi ako damsel in distress. Pwede mo akong turuan, but don't treat me like a pain in the ass."

"Um-accept ka ba ng sorry sa mga oras na 'to?"

"You're forgiven."

Lumapad ang ngiti ni Pier. "Thanks!" Tinalikuran na siya nito. "May salad kaya sila rito? Hindi ba gusto mo 'yon? 'Yong puro dahon lang."

"Ceasar Salad 'yon."

"Asawa ba niya si Fruit Salad?" nakangising lingon nito sa kanya.

She can't help but roll her eyes at him. "I hate your lame jokes, Pier." Tawang-tawa na nagsimula na itong maglakad.

Sumunod siya rito.

"Hindi ako titigil hanggat hindi kita napapatawa."

"In your dreams."

"Ang hirap naman hulihin ng saya mo."

"It takes more effort and hard work."

"Sush, kapag may nagbigay sa'yo ng isda, alam mo ang tamang pagsagot?"

"Of course, thank you."

"Mali, dapat ganito," may nadaanan silang stante ng isda. Kumuha ito ng isang isda. Namilog ang mga mata nito na tila ba binigyan ito ng regalo ng kung sino. "Oh my gosh, isda for me?"

Itinaas niya ang isang kamao kay Pier. "Isa pang hirit Pierce Kyries at didiretso 'tong kamao ko sa'yo."

Nanlulumong ibinalik nito ang isda. "Pierce Kyries, zero."



BUONG maghapon yatang walang ginagawa si Sushi. Naka ilang lipat na siya ng puwesto sa bahay. Kanina nakahilata siya sa kama niya sa itaas. Bumaba siya sa sala nang ma-bored at nanood ng palabas sa telebisyon. Ngayon nasa mesa siya sa kusina, nakakatitig sa mga mangga sa basket na iniwan doon ni Pier.

THE HEIRESS POOR CHARMING - COMPLETEWhere stories live. Discover now