Kabanata 14

4K 183 13
                                    

"HINDI pala kumakanta ah?"

Tawang-tawa pa rin siya. Nag-enjoy talaga siya sa birthday ni Kuya Bert. Hindi lang sa isang kanta natapos ang lahat. Nasundan pa 'yon ng limang kanta. 'Yong isa duet na sila ni Kuya Bert.

Pauwi na sila ni Pierce sa bahay. Tahimik na ang buong paligid dahil alas onse na nang gabi. Malamig na rin ang simoy ng hangin. Iba talaga ang gabi sa probinsiya. Sobrang presko at masarap sa pakiramdam. Walang halong polusyon.

"Magpapabili ako nun," aniya. Magkaagapay silang naglalakad ni Pierce. "Papalitan ko 'yong boring naming karaoke set sa bahay nung maiangay na karaoke machine na nirentahan ni Kuya Bert." Hindi maalis ang ngiti niya sa mukha.

"Out of place 'yon sa bahay n'yo."

"I don't mind though." Masayang napabuga siya ng hangin. "Ngayon lang ulit ako nag-enjoy sa mga ganoong salo-salo. I realized na boring pala ang mga gatherings ng mga mayayaman." She glance at him. "Mas masaya kapag kasama mo lang 'yong mga taong na-a-appreciate ka rin."

Ngumiti ito. "Wala naman 'yan sa kung gaano ka grande o ka low budget ang isang celebration. As long as nandoon ang spirit of love and happiness, okay na 'yon. It's always the thought that –" Natigilan ito nang iyakap niya ang isang braso sa braso nito.

"Counts," dugtong niya sa sasabihin nito.

Lalong lumapad ang ngiti nito. "Cute mo."

"Hindi ako cute. Maganda ako. Anyway, gusto ko lang itanong. Kasi naku-curious ako sa pangalan mo. It's so foreign kumpara sa mga pangalan ng mga tao rito. Where did your parents got that? Tunog prinsipe kasi."

"Prince naman talaga ako," he chuckled. "Prince of mangoes."

"Loko!" Natawa na rin siya. "So bakit nga? What's the history behind your prince like name?"

"Nakita lang 'yon ni Mama sa isang family list of names sa isang lumang bahay sa Bacolod. It's now a museum. My mother was born and raised in Bacolod. Nagkakilala lang sila ni Papa sa Iloilo. Nagustuhan ni Mama ang pangalan na 'yon kaya tinandaan niya. Kapag daw kasi nagkaanak siya ng lalaki, Pierce Kyries ang ipapangalan niya."

"So your name was written in history?"

"Siguro," he shrugged and smiled. "Kaya noong mapasyal ako ng Bacolod, pinuntahan ko 'yong ancestral house na sinabi niya sa Silay. Akalain mong nandoon talaga ang pangalan ko."

"Parang gusto kong puntahan ang ancestral house na 'yan."

"Kaso malayo, kapag nagka-oras tayo. Ipapasyal kita sa Bacolod." Nakangiting tumango siya rito. "Your turn, bakit Sushmita ang pangalan mo? Sa tingin ko 'di pa sikat ang pangalan na 'yon nang ipanganak ka."

"1994 'yon nang manalong Miss Universe sa Sushmita Sen. Mas nauna ako." Natawa siya. "Kita mo? Pang queen talaga ang pangalan ko."

"Ayoko nang kumuntra at baka maitulak mo pa ako."

"My grandfather named me Sushmita. He's a world history researcher and professor in Santo Tomas. Isa sa mga great fascination niyang pag-aralan ang history ng India. I don't know why exactly - maybe because of the caste system, their gods, or something else that ignites his great interest. He died a month before I was born."

"That's sad."

"I know." Mapait na ngumiti siya. "My mother was a daddy's girl and my grandfather's only wish is to name me Sushmita. He had a dream daw na babae ang magiging anak ni Mama at maganda raw ang ngiti ng batang babae sa panaginip niya. Suhsmita means radiant smile or beautiful smile. Marigold, because I'm worth more than riches in the world - Mary's Gold. It was taken from an old ancient story of Christians, sa halip na coins or money ang in-offer sa altar ay mga yellow flowers na tinatawag ngayong Marigold."

THE HEIRESS POOR CHARMING - COMPLETEWhere stories live. Discover now