Kahit ano pang ganda ng lugar na ito, kung demonyo naman ang kapiling nya hinding-hindi nya hahangaan ang kariktan nito.

"Vi." Hindi nya nilingon si Monica, na noo'y nilapitan sya at tumingin rin sa karagatan. "Ironic isn't?" Napatingin si Victoria rito. There was a bitter smile on Monica's lips. "That a devil owns this beautiful place." Nais nyang malaman kung anong kwento nito. Kung bakit nasa tabi ito ni Hector. "I guess that's how devil in disguise lures his victim. A promise of paradise and it would be too late when you realized, you're in hell." Tumingin ito sa kanya. "Welcome to hell."

Planado ang lahat ni Hector. Hindi malaman ni Victoria kung anong nakita ng lalaki sa kanya but whatever his reasons, were no longer important to her. Ang mahalaga ay maging ligtas si Ramcel. She couldn't let him hurt her wife and her mother. Kailangan nyang ilayo si Hector sa mga ito.

Sakay ng chopper, umalis sina Victoria at Hector sa private island nito. Napansin nyang bukod sa lalaking may dala-dala laging shotgun, tatlong o limang tauhan lamang ang nakita nya sa isla, na pawang mga hardinero at tagalinis ng mansyon. Kunsabagay, bakit pa ito babantayan ng mabuti kung napakahirap puntahan at lisanin ang lugar na iyon? It reminded her of Azkaban.

Hinatid sila sa mansyon ng mga Sebastian. Ipinakilala sya agad ng lalaki as his girlfriend sa mga household staff nito. Dumiretso sila pagkatapos nun sa bahay ng Daddy nya.

Pinagbuksan sya ng pinto ni Hector nang maiparada ang kotse nito sa driveway ng mga Alonzo. She had to look inlove and radiant. Kailangan nyang makumbinsi ang mga ito. Mabuti na lang magaling umarte ang asawa nya at isa rin itong magaling na direktor. Ang sabi ni Ramcel, ang sikreto ng mga nakakakilig na loveteams bukod sa natural chemistry ay eye contact.

Nagulat ang mga Alonzo nang dumating sila ni Hector na magkahawak- kamay lalo na ang Daddy nya. Confused itong nakatingin sa kanila. Kasalukuyang kumakain ang mag-anak nang dumating sila.

"Anong ibig sabihin nito?" Naguguluhang tanong ni Mayor Alonzo. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila. Marahil nagtataka ito sa nangyayari since the last time she was here, she was on her way to Norway to be with Ramcel.

"Hector and I are..." Victoria smiled sweetly and looked adoringly into Hector's eyes. "...together."

Natahimik ang mga Alonzo. Her Dad, Conrad and Tita Connie were stunned.

"What about your wife?" Nakakunot ang noong tanong ni Maristela.

"I need to keep my wife safe," Victoria wanted to say. "It was a mistake marrying her," she told her sister instead. "Akala ko mahal ko sya." Walang nakapagsalita. Alam ni Victoria na maraming tanong ang kapatid pero pinili nitong manahimik. Kita nyang nagdududa ito sa mga sinasabi nya.

"Where are your manners?" Basag ni Tita Connie sa katahimikan. "Hector...Vi...umupo muna kayo. Pwede naman nating pag-usapan ang lahat habang kumakain. Saluhan nyo kami."

Magkatabing umupo sina Hector at Victoria. Walang nagtanong nang mag-umpisa silang kumain. She had to keep up with the pretense kaya magiliw nyang ipinaglalagay ng pagkain sa plato nito si Hector. Paminsan-minsan nilang tinatapunan ang isa't-isa nang malalagkit na tingin at ngiti.

Inoobserbahan lang sila ng mga Alonzo. Maya-maya nag-umpisa nang magkwento si Hector ng tungkol sa kanilang dalawa. He was an excellent liar. He made the Alonzo's believed they fell in love at first sight. Her dad and his family fell to Hector's lies about Victoria tried to stop her feelings for him because she's committed.

Sinabi pa nitong imbes na sa Norway pumunta si Victoria, magkasama sila nitong nagbakasyon sa Palawan. Gumawa pa ito nang drama na hinabol kuno sya ni Hector sa airport. Naabutan sya nito bago pa man makasakay ng eroplano patungong Norway at kinumbinsi syang ito ang mahal nya at hindi si Ramcel. Victoria just followed her heart and chose to be with Hector instead.

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now