Nakailang tawag din si Maristela bago ito tumigil. Maya-maya'y nagsend ito ng message. Kinuha na lamang ni Ramcel ang cellphone ng asawa saka binasa ang text message galing sa step sister nito.

"Vi, Dad was shot. He's undergoing operation," text ni Maristela.

Nawala ang antok ni Ramcel. "Baby, your sister needs you." Inabot nya ang cellphone nito.

Victoria might have sensed the alarm in her voice kaya agad nitong binasa ang message ng kapatid. "Oh no." Napaupo ito sa kama saka mabilis na tinawagan ang kapatid. "Maris! What happened?" Tahimik lang itong nakinig pero napansin ni Ramcel na namutla ito. "Pupuntahan ko kayo." She paused. "Oh...okay. Basta balitaan mo ako ha."

"How is he?" Tanong nya kay Vi.

"Wala pa silang balita. Inooperahan pa rin si Dad." Nangingilid na ang luha nito.
Ramcel gently held her wife's hands. "Ano bang nangyari?"

"They just had dinner. Kalalabas lang nila sa restaurant when an armed man on a motorcycle suddenly appeared and shot my Dad. He didn't have his security with them. Buti na lang..." Medyo nag-alangan si Victoria. "...buti na lang Hector was there or my Dad might have been shot right through the heart."

"Superhero pa ang dating nya ngayon," hindi nya mapigilang isipin. "Gusto mo bang puntahan natin ang Dad mo ngayon?"

"Hindi na muna ako pinapapunta ni Maris because it's not safe. Baka raw pakana ito ng mga kalaban nya sa pulitika. Hindi pa nahuhuli ang bumaril kaya mahigpit ang security sa hospital at hindi rin safe na pumunta roon. Babalitaan na lang daw nya ako."

Niyakap na lang nya nang mahigpit si Victoria hanggang makatulog sila pareho. Kinabukasan, nakahinga nang maluwag si Vi nang makatanggap ng text from Maristela na ligtas ang Dad nya at nailipat na ito ng private room.

Agad na tumawag si Ramcel sa Head Writer nila na hindi makaka-attend ng meeting. Nagpapasalamat na lang syang wala syang shoot ngayon at puro meetings lang ang kailangang atupagin. She needed to work on a script but it could wait.

Ramcel figured Victoria wanted to see her Dad as soon as possible so she told her not to cook breakfast anymore. Dumaan na lang sila sa drive thru para bumili ng pagkain. Sinusubuan na lang sya ni Vi habang nasa biyahe.

"Thank you for doing this. I know you are busy and all," Victoria said.

"Hindi mo kailangang magpasalamat, Babe."

Gustuhin mang bilisan ni Ramcel ang pagmamaneho but she had to be careful because it started raining when they reached the expressway. Nakarating sila sa San Vicente Medical Hospital after two hours. May ilang pulis na nagbabantay sa labas ng building.

Ramcel saw some reporters too when they went inside the hospital. Nakita nila si Abby sa labas ng room ni Mayor Alonzo kasama ni Conrad. May nakatayong dalawang pulis sa pintuan ng kwarto.

"How's my Dad?" Tanong ni Victoria sa political adviser.

"He's okay. Natanggal na ang bala sa balikat ni Mayor," sagot nito. Ramcel couldn't tell if Abby wasn't happy to see them or just upset because her beloved Mayor was endangered.

"Can I see him?" Medyo nag-aalangang tanong ni Vi.

"Pwede naman pero natutulog sya kaya hindi mo pa makakausap."

"That's fine with me. Gusto ko lang syang makita." Matipid na ngumiti si Victoria, who turned to Ramcel.

"Dito lang ako sa labas. Hihintayin kita." Marahan nyang pinisil ang kamay ng asawa bago ito pumasok sa kwarto.

Umupo naman si Ramcel sa mahabang upuan sa labas ng room ni Mayor. Tumabi sa kanya si Abby. Tahimik lang silang dalawa. Minabuti na lang na magcheck ni Ramcel ng mga messages sa phone. Nang mareplayan ang mga message nina Direk Remy at Olivia, tumayo sya para bumili ng Coke sa vendo.

"Hindi na dapat kayo pumunta rito ni Victoria." She was surprised to see Abby beside her. Napatingin sya rito.

"And why is that?" Pinigilan ni Ramcel ang sariling taasan ito ng kilay.

"Dahil makakasira kayo ni Victoria sa malinis na pangalan ng mga Alonzo. Imagine the scandal kapag nalaman ng mga taong may anak na lesbian ang Mayor."

Ramcel felt her blood slowly rising. If looks could kill, Abby would have died right on the spot. Before she could snap back, another unpleasant person arrived.

"Hi!" Hector smiled at Ramcel, who just nodded.

Wala sya sa mood makipagplastikan dito. She wanted to wipe that smile off his face. He may be a hero to the Alonzos, but not to her. He's the man who tried to steal her wife. Until now, he's still a threat to her. Sya man ang pinili ni Victoria but she couldn't change the fact that her wife had feelings for him.

"Maybe Victoria still have feelings for him," her mind said but she tried ignoring it. She couldn't keep thinking about that or she'd be paranoid all the time. She chose to trust her wife. She couldn't let her fear poison their relationship.

"Gising na ba si Tito Armando?" Baling nito kay Abby, na hindi man lang nito nginitian ang lalaki.

"Hindi pa," Abby said a little frostily.

"Sinong nagbabantay sa kanya?" Tanong muli ni Hector.
Gustong matawa ni Ramcel kay Abby, dahil mukhang annoyed itong kausap si Hector. At mukhang manhid din ito sa charm ng lalaki.

"Nasa loob sina Maristela at Victoria. According to his doctor, the Mayor needs rest. Mas makabubuting huwag muna syang istorbohin. Hanggat maaari, pamilya lang muna ni Mayor ang pumasok sa kwarto nya."

"Right. Of course." Hector gave Abby a tight smile. "I want the Mayor's speed recovery and I prioritize his safety too."

Kulang na lang ipaalala nito kay Abby na ito ang dahilan kung bakit ligtas ngayon si Mayor Alonzo. Pagkatapos makuha ni Ramcel ang Coke na binili sa vendo, iniwan na nya ang dalawa.

She and Victoria stayed the whole day at the hospital. Na-appreciate naman nyang civil sa kanya sina Conrad at Tita Connie kahit alam ng mga itong kontra si Mayor Alonzo sa kanila. Thankful ang mga ito sa kanya nang magvolunteer syang bumili ng Lunch para sa mga ito.

Hindi na sya pumasok pa sa kwarto dahil ayaw nyang ma-upset sa kanya si Mayor. Ayos lang sa kanyang hindi sya nito tanggapin, ang mahalaga lang ay mahalin nito bilang anak si Victoria.

Nang pabalik na sila ni Vi sa Maynila, halata nyang mas maaliwalas na ang aura ng asawa nya. Nakapag-usap na marahil ang mag-ama.

Dahil sa kagustuhan nitong maalagaan at makabonding ang Dad nito, pinayagan ni Ramcel na umuwi sa Batangas every week si Victoria habang wala sya sa bahay. Hindi makakauwi for a month si Ramcel dahil mags-shoot sya ng bagong movie sa Norway at Dubai. It was a decision she didn't know she'd regret one day.

Since Nine Book 3: ShatteredWhere stories live. Discover now