- walang nabanggit kay babe. si babe killer!

- day 04 na at pito nalang sila i kennat

- ano kaya game today?

- ayoko manood. Di ko kaya makita silang mabawasan


▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o JAVA
  
 
"Alpha, your friend is back from dreamland. Good morning, Java. Join us."

Unang bumungad sa mata ko ay si Alpha na nasa tapat ng mesa na puno na naman ng iba't ibang pagkain. Nandito kami sa isang madilim na kwarto. Tanging ang ilaw sa ibabaw ng mesa ang nagbibigay liwanag sa'min at sa pagkain. Napansin kong nakaposas ang kamay ni Alpha sa upuan. Sa tabi niya makikita ang isang taong nakamaskara ng ulo ng unggoy na walang mata. Sinusubuan niya ng pagkain si Alpha.

"Open your mouth, Alpha." sabi ng boses. It sounds like a girl.

Kumuyom lang ang kamao ni Alpha at hindi siya sumunod. Nagulat ako nang biglang may sumulpot uli na isa pang taong nakamaskara ng unggoy, sa tabi ko naman, at naglabas ng kutsilyo. Malakas niya iyon itinusok sa likod ng palad ko.

Malakas akong napasigaw sa sakit!

"J-Java, anong nangyayari-----" hindi natapos ni Alpha ang sinasabi nang biglang ipinasok ng katabi niya ang kutsarang may pagkain sa kanyang labi.

Nagulat ako nang idinura niya lang iyon!

"Java---"

Hinugot ng katabi ko ang kutsilyo saka ibinaon ulit sa aking kamay. Malakas akong napasigaw at napaiyak na sa matinding sakit!

"Alpha.." iyak ko. Dugo nang dugo ang kamay kong nakaposas din sa upuan.

"Open your mouth or we will do it again." sabi ng babaeng nakamaskara na katabi ni Alpha habang pilit siyang pinapakain. Napilitan si Alpha na buksan ang kanyang labi. Agad ipinasok ng babae ang kutsara at saka tinakpan ang kanyang bibig.

"Chew it." utos ng babae.

Hindi ko alam kung anong meron sa pagkain pero napakapit si Alpha nang matindi sa kanyang upuan.

"Now, swallow it." sabi ng nakamaskara. Sinunod nalang niya ito. Tuwang tuwa ang babaeng nakamaskara saka hinaplos pa ang buhok ni Alpha. "Good boy."

Pinaubos ng nakamaskara ang pagkain kay Alpha ang isang bowl ng kanin at iba't ibang ulam.

Nang matapos sila ay 'yong babae naman ang naglabas ng isang patalim saka tahimik na tinutok kay Alpha habang nakatingin sa'kin. What the hell?! Napansin kong ang isa pang nakamaskara na katabi ko naman ay may hawak na ding bowl ng pagkain.

"It's your turn." sabi ng katabi ko.

"Open your mouth while you still can, Java." sabi ng boses saka inilapit sa bibig ko ang isang kutsara na may pagkain. It stinks! Parang panis?

"Open it..." pakantang sabi ng nakamaskarang katabi ni Alpha saka unti-unting dinidiin ang kutsilyo sa likod ng kamay niya.

"Oo na. Oo na!" sabi ko nang marinig kong dumaing na si Alpha dahil sa kutsilyo.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now