“Baliw ka nga!” Biglang binuksan nito ang cabinet niya. Naghanap ng maisusuot, at walang sabi-sabing naghubad ng t-shirt.

“Hoy bastos! Bakit ka naghuhubad sa harap ko! Walanghiya ka, maniac!” Naeeskandong sabi ni Thalia, pero hindi siya umiwas ng tingin, macho papa pala si Lado, mas abs!

Ngumisi ito na tila nakakaloko. “Kuwarto ko to, Miss. Isa pa, kung naeeskando ka, eh di umalis ka. Titig na titig ka naman.”

“Ha? Eh..eh sa jan ako nakaharap sa iyo. Felingero ka! Ang kupal lang, ano, yang abs na yan, wala yan sa abs ni Aron Mi..” Napahinto siya. Oo nga pala, hindi na dapat niya ito naaalala. “Si-sige na nga, tatalikod na. Feeling! Mukha ka naman ano.”

“Ano?”  Kunot ang noong tanong ni Celerio.

“Wala. Sige na, may abs ka na.” Sabay talikod. Nakaramdam na siya ng pagod at gutom, hindi pa pala siya nananghalian. Hindi pa sila nagkikita ng kanin sa araw na ito. Nakakahiya namang magsabi kay Lado.

Pagtingin niya ay nakabihis na ito, naka boxers na lang ang lumang t-shirt, pang mahirap lang talaga ang suot. Hindi ba pwedeng kinonsidera man lang siya nito na bisita? Napasimangot siya nung makitang butas pa ang t- shirt nito sa bandang dibdib  dahil sa kalumaan. Buti na lang maganda ang katawan.

Nanlaki ang mga mata niya nung biglang nakita niyang humilata ito sa kama.

“Hoy! Anong ginagawa mo?” nakapikit na ito. Walang pakialaam sa kanya. Ni hindi sumagot, siya na parang tanga na nakatayo lamang, naghihintay ng sunod na gagawin.

Lumapit na siya at hinawakan ito sa braso. Tigas ha. Nagwowork- out? “Lalake, anong ginagawa mo?”

Dumilat ito at pasupladong sumagot. “Ikaw, anong ginagawa mo? Kuwarto ko ito, hindi ba? So pwede akong matulog kung gugustuhin ko.” Wala siyang pasensiya ngayon. Isa pa, ito ang pumiling sumama sa kanya. Kung matino itong babae, wala sana ito sa tabi niya ngayon. Mga babae talaga, ilan na lang ba ang katulad ni Gab… siya na naman.

“Eh saan ako matutulog?”

“bahala ka.” Walang pakiaalam niyang sagot.

“Are you really like that? Hindi ka ba talaga gentleman? Hahayaan mo akong nakatayo rito?”

“Look Miss.”

“Thalia, Tha-lia. I’m Thalia Hermosa.” Pagpapakilala niya sa sarili, in case na nakalimutan na nito ang pangalan niya.

“Whatever. Ni hindi ako sigurado kung tunay mo ngang pangalan yan.”

“Aba! Sumusobra ka na ah! Kahit humingi ako ng favor sa iyo, wala kang karapatang pagdudahan ako, ano? You like a proof? Sige, I’ll show you some, I.D.s ba? Birth certificate? Gusto mo tumawag ka pa ng pulis.” Napatingin siya sa bandang likuran ng pintuan. Ngayon niya lang napansin na may nakasabit na uniporme ng pulis dun.

“Pu-pulis ka?”

Hindi nito sinagot ang tanong niya. Bakit ba hindi na lang niya dinala sa presinto ng Parang ang babaeng ito? Sa huli bumangon rin siya, kumuha ng kumot at extrang bedsheet, naglatag sa sahig at humiga.

“Kung gusto mong matulog, ayan na ang kama, patulugin mo lang ako dahil pagod ako.” Pagod rin ang puso niya.

Ganun? Suplado talaga! So pulis ito? Pulis na ubod ng suplado at wala yata sa bokabularyo ang salitang gentleman. Aba! Kung ganito ito makitungo sa isang napakagandang babaeng katulad niya, pwes, hindi siya papaapekto! Siya pa? Maliit na bagay. Sa dinami-rami ba naman ng nangyari sa kanya, hindi na uubra ang ganitong ugali nito sa kanya.

“K. Fine!” Hinila niya ang kanyang travelling bag, pagkatapos ay naghalungkat ng pwedeng masuot. “Pssst!” Tawag niya. “Saan ba ang banyo?”

“Wala, nasa labas.” Nakapikit pa rin ito.

“Ha? Wala ka sa loob ng kuwarto mo?”

“Palagay mo kung meron sa loob ng kuwarto ko, sasabihin ko pang nasa labas?” Pangsosopla nito.

She rolled her eyes! Sarap lang itapon ng hawak niya sa lalaking ito. Yun nga lang, panty pala at bra ang hawak niya. Sige na, pagpasensiyahan at baka broken hearted. Walang wedding ring eh, nakita niya sa mga daliri nitong nakatakip sa mukha niya.

“Gutom ako.” Maya-maya ay sabi niya. Pakapalan na lang ito ng face, bukas, mag-iiwan na lang siya ng pera pag-alis niya.

Hindi ito kumilos. Ah ganun ha! Sa gutom talaga siya at gusto niya na ring maligo. Ayaw siyang asikasuhin ha, pwes, siya ang gagawa ng paraan.

“Bahala ka, I’ll tell Lola Letty  and Mama that you are so rude to me.” Sabay hawak sa doorknob.

Napabangon bigla si Celerio.

Putek!

***********************************************

Kung may magyayaya ng tagay/inuman ngayon, jo-join ako. Tagay ta bay!

-Xian-

ChancesWhere stories live. Discover now