Limutin-alalahanin

21 8 0
                                    

Lilimutin nalang ba
O mas aalahanin pa?
Salita kakainin
Sarili kakalabanin

Sa labanan ng isip at damdamin
Saan ka kaya nito dadalhin
Sa lupa o sa himpapawid
Sa tamis o sa manhid?

Gusto ng isip ika'y limutin
Ang puso gustong alalahanin
Saan papanig sa digmaang ito
Sa nagmamahal na puso o sa isip na nalilito?

Hanggang kailan ipipilit
Bagay na di na mauulit
Hanggang puso pumipintig
Pano kung ayaw ng umibig?

*
* *

K u n g   D i   S a n a ,   S a n a (COMPLETE)Where stories live. Discover now