Tulala

30 12 2
                                    

Nakahiga nakatingin sa kung saan
Di mapakali gustong angkinin ng tuluyan
Sa kisame ang mata
Pero isip puro pagtataka

Ang gabing mapait
Pinalitan mo't kasabay ako'y inakit
Nang ika'y makita
Lahat ng puot nawala

Tatayo saka biglang mauupo
Di mapalagay kasi napakalabo
Bakit ba kasi nagsayang ng panahon
Tuloy naghihinayang ngayon


Kung di man lang magiging akin
Bakit pa nakita at sayo'y napatingin
Di nalang sana nakita
Kung bigla rin lang mawawala


Ang iyong pagkawala
Lahat ng pait ay nanunumbalik sa mga tala
Di sana kita nalang nakita
Sana di ganito ang pagkataranta

*-*

Medyo nakapanghihinayang lang kasi andyan na ang pagkakataon pero bakit diko pa sayo itnuoon

K u n g   D i   S a n a ,   S a n a (COMPLETE)Where stories live. Discover now