Unang kita

46 11 4
                                    

"Pagkakita ko sayo agad akong napamangaha, medyo malayo pero alam kung kakaiba ka
Sa gitna ng ulan tayo nagkita gustong puntahan sa kinaroroonan kaso lang ang ulan ayaw makisama, pero dahil sa gustong makausap sinuong gaano mang kagalit ang ulang nangingitngit. Pero bigla ka nalang nawala na parang bula, gustong kang muling makita."
Mga katagang binibigkas noong simuala.

Nagsimula sa gusto kang makita, di akalain na magtatapos nang di halata

Habang iniisip ang ating naging simula lahat ng sakit biglang lumala.

Sa panahong wala kana tanging litrato mo sa social media ang nakikita kasama ng bago mo sigurong syota, iniisip na sana tayo paring dalawa.

Kahit gaano na katagal bakit hanggang ngayon gusto paring sana tayo'y nagtagal.

Minsan na iisip na kung kaya ko lang mag travel back on time sa panahong ako'y naguguluhan pa sana di ako nagpadala, di sana tayo pang dalawa.

Nasahuli nga ang pagsisi,
Naguluhan ako kaya natapos tayo tuloy ngayon inakala ko na kapag wala na tayo masasagot na mga tanong ko pero bakit mas lalong lumala, tuloy ngayon puro tanong na ang sagot ay wala.

Kailangan ko ng Time machine babalik ako sa ulang iyan sa simula mismo kung kailan tayo nagkatagpo. Magsisimulang muli aayosin mga naging mali itatama at mag sisi.

Iintindihin kita, ikaw i pra-prioritize sinta. Bahalang masaktan wag lang humantong sa iwanan, pero tama ba na kahit sobrang sakit na'y magpapakumbaba na lang,
kung ito ang daan sa pangmatagalan?

Dahil sa mga tanong na nagpagulo inakalang matatapos na ito, but why meron paring why?

Bakit?

Bakit hanggang ngayon i fell guilt sa tuwing nakikita kang masaya?

Bakit kailangan may lumuha?

Bakit sobrang saya sa simula tapos bigla nalang nawala?

Bakit matamis naman noong una pero bakit bigla nalang naglaho at tapos na?

Bakit?

Maraming sana noong una palang

SANA muli kang makita

SANA ikaw na yung makasama ko hangang tumanda

SANA makilala pa kita

SANA!

Pero ngayon,

Kung alam ko lang na aabot rin sa ganito, Sana hindi nalang kita nakita noong una, para hindi na kita nasaktan at di na rin ako nasaktan ng sobra! Sana!

Kaso nga lang andyan na,
Ano pa bang magagawa ng Sana?

K u n g   D i   S a n a ,   S a n a (COMPLETE)Where stories live. Discover now