Masaya-Masakit

18 8 0
                                    

*   *   *   *
Ma  Sa  Ya  *
Ma  Sa  Kit *
*   *   *   *

Masaya, pero masakit
Matamis, pero biglang mapait
Sasaya kaba kung ipipilit
Bagay na di na mauulit

Anong magagawa
Kung magmamakaawa
Anong magagawa
Sa dati nang nasira

May magagawa kapa ba?
Para muling lumigaya?
Para muling tumamis?
Para di na muling umalis?

Mapapasaya mo ba sya
Kapag kayo na ulit dalawa?
O ikaw lang lubos na sasaya
Dahil kagustuhan mong talaga

Saan hahantong?
Ang maling nagpatong-patong
Maling itinama ng isang mali
Hahantong lang ba sa hapdi?

Di na pwedeng itama
Ang dati nang nasira
Lalo na't sirang sira na
Di na pwedeng mabuo pa

Ikumpuni mo man
Masisira lang ng tuluyan
Mga bagay na di pwedeng ayosin
Dahil maayos mo man masisira din

Ganito ba ang realidad
Madaling nasira dahil huwad
Nawala ngaba ang sigla
O wi-nalang talaga

*
* *

K u n g   D i   S a n a ,   S a n a (COMPLETE)Where stories live. Discover now