Sa Bawat Saglit

32 13 2
                                    

Nang panahong gustong muli kang makita,
Ako tong tanga na halos mataranta.

Bawat saglit ikaw ang nasa isip matapos makita't naging masaya ba't ngayon bigla nalang nawalan ng sigla. Nagsimula sa hanapan tapos nagtanggapan at nagakakilalahan ngayon naman ay iwanan na may halong limutan.

Mga mga bata sa daan kinaiinisan, sa tuwing nag lalaro ng tagotagoan.

Tagotagoan maliwanag ang buwan pagbilang ko ng sampu lahat nakatago.

Sana katulad tayo ng senaryong yan na pagbilang ko ng tatlo hahanapin ka na parang wala lang. Tapos kang mahanap tuloy lang ang larong nagaganap, masaya kahit may pikonan pero maya-maya okay na naman.

Pero tulad rin ng laro, laging natatalo, bibihirang manalo!

Kahit pa madaling tumanggap ng pagkatalo sa sports sasabihing sports lang to ng pabiro, sa ganitong laro ang matalo walang pagbibiro.

Kung gaano hinanggad na muli kang makita tulad lang ng paghahangad ngayon na sana muling maging akin ka.

May magagawa pa ba, kung ang lahat huli na?
Sabi nga nila sa huli ang pagsisi diba?
Kung pwede sanang sa simula nalang ang pagsisi, di sana sa huli walang dalamhati.

Pero pwede bang ganon walang dalamhati puro lang saya at wala nang kahati? Pwede bang sumaya ng walang lumuluha,
Sana meron Kaso nga lang walang ganon, sa fairy tale lang kasi may happy ending sa realidad kasi di ka sasaya kung walang sakit na darating.

Saya, luha, tamis, pait, liwanag at dilim

Sa bawat liwanag may dilim
Sa bawat sugat dahilan ay salitang matatalim.
Pinilit kung wag itindihin, pero di ko pala kayang ilang bisis pilitin.
 

 

K u n g   D i   S a n a ,   S a n a (COMPLETE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin