Kung di sana, sana

81 14 20
                                    

Pag iisip sa maaaring magyari kung imbis ganito, ito yung ginawa ko!

Naguguluhan ako, kaya tinapos mo. Nasaktan, ako kaya mas itinudo mo.

Sa bawat saglit "di sana" laging sinasambit. Na kung di sana nagpadala, sana litrato'y tayo pang dalawa.

Kung mas inintindi pa kita,
Kung mas nagpakatanga,
Kung mas nagbulagbulgan pa'y di sana laging ikaw ang kasama di hapdi ang nasa isip na laging nananalanta.

Pero nauna akong sumuko, nauna akong umayaw, nauna akong naguluhan at masyadong nagpadala sa sakit na dinaramdam.

Talonan! Yan ang sabi nila, wala daw akong pagpapahalaga ang inisip ko lang daw ay ang sarili ko sa pagmamahalang binuo ko'y naging selfish daw ako!

Kasalanan ko bang mahina ako at naunang sumuko?

Kasalanan ko bang naging maramdamin ako at sakit lang ang nararamadaman ko?

Kasalanan ko bang mas inisip ko ang sarili ko, inisip kong paano kung sa huli ako yung talo at sa gitna ng hapdi maiwan ako?

Noong una'y sumuko ako kasi ayaw kong sa huli lumuha ng todo, pero ano tong nangyayari ba't ngayon ako parin yung luhaan at ang mas masakit pa'y ako parin yung talo.

Ito ba yung tadhana ko na kahit anong gawin ko sa huli ako parin yung ipoproklamang talo. Wala akong karapatang manalo dahil nakasulat na sa bawat libro ako talaga yung palaging talo.

Talim ng salitang "sana" puso'y puno ng pagkabahala.

Sa tuwing tiningnan litrato mo sa social media na may ibang kasama kasabay iniisip na kung di lang ako tanga sana tayo pang dalawa.

Masakit man pero pilit kong kinakalimutan, pero kahit anong pilit ko bakit ikaw parin palaging pinagmamasdan.

Sinusubukang mag move on pero bakit laging iniisip na sana tayo parin ang mag on!

Para bang naglalakad sa kalsadang di mo kabisado na gustong kumawala pero di mahanap daanang tama.

Tama o mali gumawa ka ng aksyon para sa ikakatama ng mga maling gawa.

Ang mahirap pa the more mong pinupursiging gumawa ng isa pang mali para itama ang dati ng mali the more rin syang mas nagiging kamuhimuhi.

*-*

Sabayan nyo akong balikan ang mga nakaraan sa pamamagitan ng mga tula at liham na ginawa ko sa bawat tula isang isang chapter na nakatala.

Mula sa simula hanggang sa sigla'y nawala.

K u n g   D i   S a n a ,   S a n a (COMPLETE)Where stories live. Discover now