Tamis ng simula

28 16 3
                                    

Agad sayo'y nagpakilala
At doon lahat nag simula
Halos di makapaniwala
Saya ng ika'y makita

Nagtagal ang panahon
Tayo'y naging mag on
kasama sa bawat panahon
Pero asan kana ngayon

Nawala na parang bula
Lumisan na parang himala
Noong una sabing hindi mawala
Ba't ngayon ako'y lumuha

Tamis ng simula
Katapusa'y luha
Saya ng mga panahong nagdaan
Pighati ang naging katapusan

May saya meron ding lungkot
May tuwa meron ding takot
May simula meron ding pagtatapos
May lumalaya meron ding nakagapos

Tamis ng simula
Ngayon hirap makalaya
Gustong mali ay itama
Pero iyong isinumpa

Tamis ng simula
Pangangamba nagbabadya
Takot humantong sa pagkawala
Kaya pati sa himala naniniwala

*-*

K u n g   D i   S a n a ,   S a n a (COMPLETE)Där berättelser lever. Upptäck nu