Wala na talaga

21 7 0
                                    

Tapos na ba talaga
Saan na pupunta
Saan pa aasa
Kung di natutupad mga sana

Mga inialay koy nawala
Sa isang iglap biglang na dapa
Ang sana'y magandang paparating
Naging katapusan na puro daing
Tulad lang din pala
Katapusan ng ibang pelikula
Natapos na talo ang bida
Puro pa mga sugat at pasa

Sobrang laki ng isinakripisyo
Kahit maliit walang primyo
Luhaan pang natalo
Sa ginawa'y inabuso

Naging masyadong maintindihin
Tuloy ngayon masadong idiniin
Saan nagkamali pilit iisipin
Kung saang banda naging madilim

Nabigay ko naman lahat
Pero bakit walang natanggap
Akala ko kapag di ako lumaban
Di na ako tuloyang tatakbuhan

Mali palang tigilan
Tuloy tapos ang pakikipaglaban
Mabilis kang lumisan
Tulad ng kidlat na napadaan

Wala na talaga
Iyong presensya
Tapos na talaga
Kasi wala kana

*-*

K u n g   D i   S a n a ,   S a n a (COMPLETE)Where stories live. Discover now