Pahinge

26 12 0
                                    

Sa bawat away
Hindi nalang sumasabay
Kahit anong gawin
Ang panalo ikaw parin

Mauupo sa isang dulo
Makikinig sa sariling gulo
Hiling sana wag namang ganito
Lagi nalang kumukulo

Pahinge ng pag intindi
Kahit man lang kunti
Tama na ang paghahanap ng mali
Bagkos simulang magsisi


Magulo ang isip
Puno ng maling ihip
Masyadong kang mahal
Kaya hirap itong matanggal

Pahinge ng pag unawa
Kahit kaunti sakin matuwa
Sa bawat pagluha
Para bang magmamahal wala na

*-*

K u n g   D i   S a n a ,   S a n a (COMPLETE)Where stories live. Discover now