Hapdi

25 11 0
                                    

Sabi nila ang problema
Sumusubok sa pagsasama
Para sa huli mas matibay na
Pero panong nauwi sa hindi inaakala.

"Lumaban ka problema lang yan sinusubukan ka lang nyan" sabi ng mga kaibigan. Ako naman tong pilit lumalaban kasi nga pagsubok lang daw yan, tinitiis pinipilit wag intindihin ang bawat problema dumadaan kahit medyo ma sakit. Lumalaban nakikipag nakikipag unahan sa tiyak na kasakitan.

Pag ma ma hal, isang salita apat na pantig nangangahulugang kabuuan, lahat ng bagay sa pagmamahal na uugnay. Pero kung minsan kahulugan nito'y kasakitan asahang kapag nagmahal mayron talagang mag isang naiiwan.

Pilit tumatayo kahit pagod na sa kabubuo ng pusong laging nadudurog na sinalanta ng mas matindi pa sa bagyo. 

Gaano man kasakit at kapait
Sarili pinipilit
Sabihing okay kahit may ngunit
Ipinalalaban pagmamahalang wala ka nang pakialam.

Pagsubok o parang para ako'y ilugmok?

Problema o katapusan na?

Asin ng pagmamahalan o asin sa sugat na walang kagalingan?

Kaya ko kayang manindigan kung pagmamahal mo'y walang kasigurohan? Kaya ko kayang magtagupay sa aking pag ibig na inalay.

-*-                        *_*
*-*                        -_- -*-                         |

K u n g   D i   S a n a ,   S a n a (COMPLETE)Where stories live. Discover now