36.

28 3 15
                                    

Jazz's POV

*Flashback*

2 weeks later.
"tara na! Hindi kapa ba uuwi?" Tanong sakin ni  jolina.

Nandito kami ngayon sa baseball field ng school at nanunuod ng practice nila arvin.

"Sige sandali lang, paalam muna ako kay arvin"

"Yiiee yan tayo eh."

Napangiti naman ako sa gatong nya.

Tinignan ko naman si arvin at nang mapatingin sya sakin kinawayan ko sya.

Kaagad namang huminto sa pagpa practice si arvin at saka sya tumakbo palapit sakin.

"Uuwi kana?" Tanong nya.

"Oo."

"Ahh sige hmm. Ingat ka ah." sabay kiss nya sa pingi ko at saka nya ako nginitian

Jolina: "Ang cheezy talaga! Hanggang ngayon nawi weirduhan parin ako sa ka sweetan mo arvin."

Ito talagang si arvin oh.

Kahit ako na we weirduhan sa kanya.

Hindi ko alam na napaka sweet nya palang lalake.

Noong una palang kaming magkakilala kala ko puro lang sya kalokohan.

Palatawa, ma kwento, ma loko, pa cute ganun

Pero noong naging kami na.

Bigla nalang lumabas ang iba nyang side.

Sweet side, romantic side, cool side at iba pa.

Hanggang ngayon nga hindi pa ako sanay na nakikita ang mga side nya nayun eh.

Pero kahit na napapakita na nya sakin ang mga yun hindi parin naman nya inaalis yung ugali nyang masayahin na dahilan bakit ako na inlove sa kanya.

Bonus na nga lang yung ibang side sa ugali nya.

Arvin: "Oh yung kiss ko naman?"

O////O

Jolina: "Sige na jazz wag kana mahiya, oh tatalikod ako oh" at saka naman sya tumalikod.

Si arvin naman nilapit nya ang pisngi nya sakin.

Hahaha

Ang cute nya.

Parang bata.

Binigyan ko naman sya ng mabilis na halik sa cheeks nya.

"Ayan oh ok na?"

Arvin: "hahaha Champion na!"

Hahaha

Champion na.

"Sige na alis na kami."

"Ok sige"

At saka na kami naglakad palayo ni jolina.




















"Bye una na ako sayo ah!" Sabi sakin ni jolina at saka na sya sumakay ng jeep.

Nandito ako ngayon sa hintayan ng jeep.

Magkalayo kasi kami ng bahay ni jolina kaya iba ang sinasakyan namin.

*Horn horn*

May isang sasakyan na huminto sa harapan ko at dahan dahan namang bumaba ang glass sa back seat ng sasakyan.

"Jazz!" Tawag sakin ng isang lalake na nasa loob.

Si lann!

"La—lann?"

In My Dreams (Completed)Where stories live. Discover now