28.

21 3 4
                                    

Zon's POV.

Ako'y isang prinsepe na nanggaling pa malayong kaharian.

Pitong dagat ang aking nilayag.

Pitong bundok ang aking inakyat.

Pitong milya ang aking nilakad.

Mabigyan lang ako ng pagkakataong mailigtas ang aking prinsesa.

At muling masilayan ang kanyang mga ngiti.

Na lubos na nagpapasaya ng aking puso.




"Leron leron sinta. Buko na papaya..." mahina kong kanta.

Nandito ako ngayon sa isang lawa at kumukuha ng tubig mula roon.

Dalawang araw pa kasi ang aking lalakbayin bago ko marating ang castilio kung saan ikinulong ang aking prinsesa.

"Isang inom para sa lakas!" Sabay taas sa kalangitan ng aking lalagyan ng tubig.

"Isang inom para sa tapang!"

"Isang inom para sa taguypay!"

"At isang inom para sa iyong pagkamatay!" Sabay tapon ng tubig sa lawa.

"Lumabas ka diyan! Hindi mo ako malilinlang!"

Lumabas mula sa lawa ang isang napaka gandang diwata.

"Malakas ang iyong pang ramdam prinsipe. Alam mo pala na narito ako"

"At alam ko rin na lason ang tubig na yan sa lawa!"

"Pati pala iyon alam mo. Magaling. Mukhang hindi kita makukuha sa tahimik na pagkamatay. Sa masakit kaya? Makukuha kaya kita?" At saka nya inilabas ang kanyang espada.

"Tignan natin!" Ako naman'y inilibas ko ang aking batuta. Hindi batuta na iniisip nyo ah.. englisin ko na nga lang. baseball bat.

"Isa kang hangal kung iniisip mong mapapatay mo ako gamit ang armas na iyan!"

Mabilis na sumugod ang diwata sa akin at saka inihampas ang kanyang espada.

Mabuti nalang at mabilis din akong nakailag sa kanya.

Ugh! Mabilis sya!

Kailangan kong mag inga-

O_O

Papasugod nanaman sya at nang makalapit sa akin ay walang tigil nya akong pinag hahampas ng kanyang espada.

Mabilis ko namang naiiwasan ang lahat ng pag atake nya ngunit parang bawat sigundo ay mas lalong bumibilis ang kanyang pag atake.

Diwata: "hahahah.. hindi habang buhay makakaiwas ka sa mga atake ko!"

Isang malakas na hampas ang kanyang binitawan sa akin at sa huling pag kakataon ay naka iwas nanaman ako dito kaya tumama ang kanyang espada sa lupa.

Mabilis namang nagkaroon ng makapal na alikabok sa paligid na syang ginamit ko para makapag tago sa mga puno.

Diwata: "nasan ka! Prinsepe! Magpakita ka!"

Mabagal ngunit siguradong sigurado ang aking mga hakbang.

Pumuwesto ako sa likod nya at nang makakuha ako ng tiempo!

"Ahhhh!!"

Kaagad napalingon ang diwata sa akin at laking gulat nya nang..

Nang..

In My Dreams (Completed)Where stories live. Discover now