20.

27 4 1
                                    

Arren's POV

"Hindi ba maam mas maganda kung mas maaga tayong makakaisip ng theme para sa next exhibit? Mas mapagiisipan namin kung anong art ang pwede naming gawin base sa theme na yun. Mas mahaba yung time nang pag gawa namin at mas mapapaganda pa namin ang aming mga obra" Sabi ko kay maam mendoza.

Nandito ako ngayon room nya.

Maaga pa naman kaya wala pang estudyante na dumarating at dalawa lang kami dito.

"Tama ka naman dyan pero 3 days palang ang nakakalipas mula nung 6th exhibit natin. Pagpahingahin mo naman ang mga co-members mo. Baka naman sa kagustuhan nating maiangat ang club natin eh kapalit naman nito ay ang pag bagsak ng mga grades nyo."

Hay.. well nandoon na ako. Na may mga studies kami pero diba nga daig ng maagap ang masipag.

dapat advance tayo mag isip.

Maam mendoza: "arren alam kong nag wo-worry ka lang sa club natin. Well di kita masisisi 2 month nalang ang natitira sa ating palugit, Pero tignan mo naman ang visits natin ang laki na ng improvement. Every day mas dumadami pa ang mga bilang ng studyanteng pumunta sa museum natin. Look, I already done the math. Wala kang dapat ipangamba dahil base sa dami ng studyante na nadadagdag sa visits ng museum araw-araw ma a-acquire natin ang 3,334 or more visits by the end of December"

Hay.. mukhang hindi ko na mapipilit si maam mendoza.

Ayoko lang naman kasing mag slack off kami.

"Huhuhuh... huhuhu"

O_O

Nagulat naman kami ng biglang dumating si jayson na umiiyak.

Maam Mendoza: "oh jayson umiiyak ka nanaman?"

At maaga nanaman syang pumasok

-_-

Jayson: "maam kasi... huhuhu"

"Ano ba yun ah?" Tanong ko.

Ano nanaman kaya iniiyak nito?

Last time kasi lalake iniiyak nya eh.

Eh ngayon kaya?

Lumapit naman si jayson samin at saka nya pinunasan saglit ang luha nya

Jayson: "sis ganito kasi.."

O_O

What? Sis?

Jay: "diba sumali ako sa FYPG associations? You know where they will find the perfect guy for you. Nakahanap naman ako ng guy doon actually he became my boyfriend nga eh pero... pero.. niloko parin ako... huhuhuhu"

At saka nya ako niyakap ng mahigpit

O//////O

FHFFHDJSJSAKD!!!

What the!!

Ano bang ginagawa ng baklang to!

Ugh!

Nanyayakap kaagad.

Di naman kami close

Jayson: "sis... huhuhu anong gagawin ko huhuhu"

"Bitaw."

"Bitaw? Binitawan na nga ako ng boyfriend ko eh"

"Bumitaw ka sakin!!" At saka ko sya tinulak para maalis ang pagkayakap nya sakin.

Ugh! Lalaki parin sya no.

At ang bastos ng ginawa nya!

Napasulyap naman ako kay maam mendoza at mukhang nagpipigil sya ngayon ng tawa.

In My Dreams (Completed)Where stories live. Discover now