46.

33 3 2
                                    

Jazz's POV.

*Flashback*

Mama at papa "🎶happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday... happy birthday to you.🎶

Papa: "Oh anak mag wish kana tapos hipan mo na ang kandila!"

Pinikit ko naman muna saglit ang aking mata at pagkatapos kong makapag wish ay hinipan ko na ang birthday candle ko.

Mama at papa: "Yeheyy..."

Papa: "happy 8th birthday anak. Naku big girl na ang baby ko hahhaha"

"Thank you po pa, ma. Kahit na wala tayong pera ay pinaghanda nyo parin ako sa birthday ko." sabi ko naman.

Papa: "Sandali lang wag ka muna magpasalamat. Hindi lang handa ang meron ka sa birthday mo."

Huh?

Nagtinginan naman saglit sina papa at mama at saka sila tumingin sakin at nginitian nila ako.

Mama: "May regalo sayo ang papa mo"

"Regalo?"

Papa: "Tara anak papakita ko sayo." Sabay hawak ni papa sa kamay ko.

Pagkatapos ay dinala ako ni papa sa tapat ng pinto ng kwarto ko.

Papa: "Nasa loob ng kwarto mo ang regalo ko sayo anak"

Mama: "Sigurado ako magugustuhan mo."

May regalo din ako?

Dahan dahan ko namang binuksan ang pinto ng kwarto ko at tumambad sa akin ang lahat ng gamit sa ceramics artistry.

May Ceramic clay, Sculpting tools, Knives, Ball stylus, Aprons at Wheel machine.

Hindi ako makapaniwala ngayon sa nakikita ko.

Eh kasi naman mayroon na nga kaming financial problem kabili pa ni papa ang mga ito para sakin.

"Pa— pa sa— saan po kayo nakakuha ng pera pambili ng lahat ng ito?" Pagtataka kong tanong kay papa.

Nginitian naman ako ni papa bago sya sumagot. "Lahat ng bagay kaya kong isakripisyo para sa ika sasaya ng mga taong mahal ko. Mahal na mahal kita anak. Alam kong magiging masaya ka sa mga regalong ito."

*tak*

*tak*

*tak*

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili sa sinabing iyon ni papa.

Bumuhos na ang luha ko sa mata.

Ito ang pinaka masayang birthday ko.

Nilakap ko naman ng mahigpit si papa at si mama.

" *sniff* maraming salamat papa, mama. Mahal na mahal ko po kayo"

*End of flashback*


In My Dreams (Completed)Where stories live. Discover now