27. Special Chapter

26 3 3
                                    

Zon's POV

May kakaunti akong nakikitang liwanag sa harapan ko.

Kita ko mula dito ang isang babae na siguro nasa edad 40 pataas.

Nakatayo lang sya ngayon sa white place at umiiyak.

Ilang saglit pa, bumabagsak na mula sa itaas ang isang itim na balahibo ng ibon ni signus.

Napansin yun ng babae at sinundan ito ng tingin hanggang sa bumagsak ito sa lupa.

"Wag mong lalapitan" sabi ko kahit na hindi nya ako naririnig

Pero unti-unti itong lumapit sa balahibo.

"Wag mong hahawakan!" Sigaw ko naman

Pero mukhang mag balak sya na hawakan ito.

Tsk! Problem!

Kaagad kong kinahu ang baseball ball ko at saka ko iyon ibinato sa maliit na liwanag kung saan ako nakasilip.

*BOG*

Napalingon naman ang babae sa kanyan likuran at animoy nagtataka kung saan nanggaling ang bola.

Hindi na nya pinansin ang balahibo at saka naman ito lumapit sa bola.

"Yan! Kunin mo! Kunin mo!"

Dahan dahan namang umupo ang babae at saka nya pinulot ang bola na tinapon ko.

"Yun! Champion na!"

Kaagad nag bago ang paligid at nandoon na sya ngayon sa baseball field eksaktong pitcher mound ang pwesto.

Nakaharap sya sakin ngayon pero hindi nya ako nakikita.

Malamang target ang nakikita nya ngayon.

Kaagad ko naman kinuha ang bat ko at saka na ako pumuswesto para kung sakaling ibato nya ang bola ay ehi-hit ko ito.

Ito ang paraan para makalabas ako sa dream world ang opisyal na maging dreamer ko na sya.

Ilan saglit pa. Kahit na medyo nagtataka ang babae sa mga nangyayare bigla naman nyang ibinato ang bola papunta sa akin at..











*CLANG!*









"Champion!" Sigaw ko

Nandito nanaman ako sa dream world at nagkita na kami ng 6th dreamer ko.

"Sino ka?" Siryoso nyang tanong.

Hmm parang hindi naman sya gulat na makita ako.

"Hi maam," masaya kong bati "ako po si zon! Isang-" hindi nya ako pinatapos sa pagsasalita.

"Bat may maskera ka?"

"Uhmm kasi po-"

"Nasan ako?"

"Maam nandito po kayo sa-"

"Anong lugar to?"

"Oo nga maam sasabihi-"

"Bat ako nandito?"

"Ah kasi po-"

"Kidnapper kaba?"

O_O

"Hindi po!"

"Killer?"

In My Dreams (Completed)Where stories live. Discover now