#chapter 21 (Bye Angela?)

1.2K 15 1
                                    

°

°

°

--------------------------------------------------

+Chapter 21+

°

°

°

°

Naidala si Angela sa isang napaka-pribadong clinic, na kumpleto sa lahat ng gamit pang-medisina. Doktor ang dad ni Patrick, a plastic surgeon to be specific. Pero dahil sa hindi naman nito gaanong sakop ang kalagayan ng tinawag nyang 'anak' minabuti nyang papuntahin ang kaibigan nya ding doktor para ito ang gumamot kay Angela.

°

°

Eksperto na din ang kaibigan nya sa panggagamot, kaya madali nitong naayos ang kalagayan ni Angela. Ngunit hindi maitatago o maiaalis ang epekto ng nangyaring aksidente/insidente.

Hindi na halos makilala ang mukha ni Angela dahil sa tinamo nitong sunog sa buong katawan, at dahil dito isang desisyon ang nabuo.

°

°

°

[Patrick's POV]

°

°

°

"Dad, are you sure about that? How about her mom? Kailangan nyang malaman" -- giit ko kay daddy. Napagdesisyunan nya na kasing operahan ang mukha at ilang bahagi ng katawan ni Angela. Yes, may point naman sya kaso kailangan pa ding malaman ng mother nito diba?

°

°

"Hindi na nya dapat malaman ang nangyari sa anak ko"

°

°

"Dad, sa anak nyo" -- pagtatama ko sa sinabi ni daddy. Tinignan nya lang ako, at di maitatago ang galit, lungkot pati na din disappointment sa mga mata nya. I know he has reasons kung bakit sya ganyan.

°

°

°

Way back then, naikwento sa akin ni dad ang kanyang masakit na nakaraan. He was madly inlove with a woman named Tess, Angela's mom. Akala nya nga sila na talaga dahil ramdam din daw nya ang pagmamahal nito sa kabila ng itsura nya. Yes, kamukhang kamukha ni dad si Angela at gaya nito, kahit kilalang plastic surgeon na sya hindi nya naisipang iretoke o iparetoke ang mukha.

Bigla na lang daw dumating sa buhay nila ang dad ni James (Oo, alam kong step brother sya ni Angela) at nun nga naging malabo ang lahat sa kanila. Kung ano man ang nangyari, hindi na nya idinetalye pa sa akin. At hindi na din naman na ko nagtanong pa.

°

°

°

>> part.2

***

'My Sizzling Revenge'Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang