#chapter 39 (2nd Target; Fashion Show)

1K 12 3
                                    

+Chapter 39+

(8 days after)

[Aaliyah’s POV]

  “Oh yes, nagkita and nagkausap na kami”

. . . . . . . . . . . . .

   “Thanks Adrian, tinutulungan mo pa din ako”

 . . . . . . . . . . . . . .

  “Okay, bye”

  This is the night, ngayon mag ramp si Charity sa isang bikini fashion show. Maling mali ang pagtanggap ng  manager nya sa project na ito. Pero I should be thankful, dahil hindi ko na kailangan pang sundan sila sa Italy para gawin ang plano ko. Pagkakataon na ang lumalapit sa akin para matuloy ang revenge  ko, isa lang ang ibig sabihin nito, panig pa din sa akin ang tadhana :)

  *ring ring ring*

  “Yes hello?”

. . . . . . .  . .

  “Umm, tama yan. Wait mo na lang sya. Alam mo na ang gagawin mo right?”

. . . . . . . . . .

  “Haha, okay. I’m sure matutuwa pa ang isang yan”

. . . . . . . .  . .

  “Do your best, para bigyan kita ng malaking bonus. Bye”

  Nag dial ako para tawagan si Mr. Tamayo.

   “Oh, hello Mr. Tamayo?”

. . . . . . . . .

  “Good! Okay, naka depende sa’yo ang lahat”

 . . . . . . . . .

  “Haha, don’t worry. I will catch you. Bye”

  Narinig kong parang nag-istart na ang show, nandito kasi ako sa may parking lot. Pakiramdam ko may dalawang matang nakatingin sa akin mula sa di kalayuan. Hindi ko alam kung dapat ba kong makaramdam ng kaba pero hindi ko hahayaang  masira ang lahat ng plano ko dahil lamang sa taong ito.

  “Damn you Patrick, alam kong ikaw yan. Wala ka ng magagawa, naka settle na ang lahat” malakas kong sabi pagkatapos ay dumiretso na ako sa loob ng pinagdarausan ng show. Sinigurado kong malakas ang pagkakasabi ko at sure akong maririnig nya.

#dressing room

[Charity’s POV]

  “Sheila, you always makes me feel so flattered. Hindi ko ‘to ini-expect” tuwang tuwa kong sabi habang inaayusan ako ng make up artist ko.

  “Haha na-surprise ba kita?”

  “Oh yes you did” sabi ko.

  Kanina ko lang nalaman pagdating ko na may live telecast pala ang show na ito sa isang kilalang tv station. And bukod pa dun, nalaman kong ako pala ang last model na mag ramp sa stage.  Ako ang mag susuot at mag model ng pinaka stylish at pinaka mahal na bikini na gawa ni George Clemente (kilalang designer/bisexual). Hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement and at the same time, little kaba lang naman.

  “Coffee?” alok ni Sheila sa akin. Pinang lakihan ko sya ng mata.

  “Are you crazy? Nakalimutan mo na bang allergy ako sa kape. Hays, kapag naaalala ko yung last time na nakainom ako nun, hindi ko maiwasang mandiri sa sarili ko. Eeewww”

 “Haha sobra ka naman. Nawala din naman yung rashes mo ah”

  “Oh yes, after a week. Tss!”

   “Huwag ka na ngang sumimangot dyan, here bigay ng isa sa mga million fans mo hihi”

 Sabay abot ng isang di kalakihang box.

  “Ano naman ‘to?” I asked.

  “Buksan mo kaya”

  Ini-open ko naman  and hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ko kung ano yung nasa loob. Cookies, my favorite :)

  “Wow, who gave this?”

  “I dunno, pagpasok ko dito nakita ko na dyan. Sabi ng guard isang girl daw ang nagpapabigay nyan sayo”

  “Taste it”

  “Oh bakit?”

  “To make sure na hindi gawang kape hehe” I said. Aba syempre mahirap na no. Kahit na nga natatakam na ko sa cookies na ‘to eh mainam ng sure. Grabe yung pagkaka-bake nito, parang kilalang pastries ang may gawa.

  Kumuha ng isa si Sheila and tinikman nya ito. “Hmm, sarap ha”

  “Ano?”

  “Taste like chocolate, c’mon eat na. Baka tumulo ang laway mo haha”

  “Haha, you sure?”

  “Ofcourse, trust me”

  Kumuha ko ng isa and then I bite. Hmm hindi ko maiwasang mapangiti habang kinakain ko yung cookies. Grabe, it taste so good.  And tama si Sheila, chocolate flavoured.

  “Sarap ah” sabi ko.

  Habang hinihintay kong tawagin ako, nagkwentuhan muna kami ni Sheila while eating cookies.

 “Nasaan nga pala si Steve? Don’t tell me hindi sya pupunta?” she asked.

  Medyo natigilan naman ako sa tanong nya. Napailing ako.

“Hindi eh. Ayaw daw nya kong mapanuod na nakasuot ng bikini at pinapalakpakan ng ibang lalaki. Alam mo naman yun”

 “Sabagay, hindi mo naman maiaalis sa kanya na magselos”.

  Sabihin ko kaya sa kanya ang sinabi ni Josh last time sa akin? Hay huwag na lang, baka makarating pa kay Steve magkaroon pa sila ng gap ng pinsan ko.

[Patrick’s POV]

  “Damn you Patrick, alam kong ikaw yan. Wala ka ng magagawa, naka settle na ang lahat” she said.

Paano nya nalamng sinusundan ko sya? Samantalang ingat na ingat naman ako sa bawat kilos ko.  Hay ibang iba na talaga sya, malayong malayo na sa dating si Angela.

  Ano naman kaya yung sinasabi nyang plano? Ano ba ang dapat kong gawin? Kailangan ko bang warningan si Charity? Pero paano? Paano ko sya masasabihan na hindi nya ko mapaghihinalaan? Tsk!!!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ano ba ang plano ni Aaliyah?

Sino ang kausap nya sa phone?

Magawa kayang warningan ni Patrick ang second target?

ABANGAN . . . . . 

'My Sizzling Revenge'Where stories live. Discover now