#chapter 22 (Aaliyah)

1.2K 21 7
                                    

°

°

Gaano nga ba kasakit mahalin ang isang tao ng lubusan, then malalaman mong para sa kanya isa ka lang panandaling laruan?

°

°

--------------------------------------------------

+Chapter 22+

°

°

°

[Five years after . . . . .]

°

°

°

Naging successful ang operasyon ni Angela. . . . . ang ugly duckling noon, isa ng beautiful swan ngayon.

°

°

Last year namatay ang dad nya dahil sa atake sa puso. Malungkot man, naging masaya na din sya dahil kahit sa loob ng apat na taon nakasama nya ang sariling ama, na ipinagkait sa kanya ng mommy nya.

°

°

Nag-graduate na sya ng education, nuon pa man kasi pinangarap na nyang maging guro. Ngunit bago pa man sya magturo at magsettle, may unfinished business pa syang kailangang tapusin.

°

°

Nangako sya sa kanyang ama na kakalimutan na lang ang mga nangyari nuon, ngunit paano nyang magagawang makalimot kung ang mismong puso nya ayaw maghilom, kung gabi gabi sinasariwa ng kanyang panaginip ang nakaraan.

°

°

Makakalimot lang siguro sya kung magagawa nyang makaganti sa mga taong, nanakit sa kanya nuon. Sa mga taong pinagkatiwalaan nya, ngunit harap harapan syang trinaydor.

°

°

"Magbabalik ako, and I will make sure you'll never forget my sizzling revenge. Ibabalik ko sa inyo ang mga ginawa nyo sa akin, ipaparamdam ko sa inyo ang lahat ng sakit at sisiguraduhin kong iiyak din kayo, higit pa sa iniluha ko noon"

°

°

"Pinatay ko na ang mabuti at tangang si Angela. Sa muli nating pagkikita, ang palaban na si Aaliyah ang makakaharap nyo! Kaya humanda kayo, nalalapit na ang pagbabalik ko!"

°

°

°

--------------------------------------------------

A/N : short ud :))

'My Sizzling Revenge'Where stories live. Discover now