#chapter30 (1st Target; Her Nightmare)

1.1K 14 0
                                    

+Chapter 30+

a/n : guys nasa right side po ang picture ni Madz :)

[Madz POV]

  After naming kumain sa restaurant dun sa mall, dinala nya ko sa suite na pinagdalhan nya din sa akin kahapon. Gustuhin ko mang tumanggi hindi ko na magawa pa, may hawak kasi syang alas. Nakakainis mang isipin pero para akong alalay nya na sunod lang ng sunod sa mga sinasabi nya.

  Pagkapasok pa lang namin sa loob, sinalubong nya agad ako ng isang halik. Mabuti na lang at naisip ko agad na yun ang una nyang gagawin kaya’t nakabwelo ako at malakas ko syang naitulak. Dahil sa hindi nya inaasahan ang ginawa ko, muntik na syang ma-out of balance nung mapaatras sya.

  “Damn” sabi nya. Tinignan nya ako ng masama ngunit maya maya din ay nangiti na sya. Tss, para syang may sayad sa ulo.

  “What now? Give me your phone, and I will erase that fucking picture!” utos ko. Pilit akong nagtatapang-tapangan kahit na nga nanginginig na ang maga tuhod ko. Hindi ako sure kung naipasa nya na yun sa iba o kung naiprint na nya, ang gusto ko lang madelete ko yung nasa mismong cellphone nya, yung pinaka original copy.

  “Inuutusan mo ba ko?” tanong nya, hindi pa din nawawala yung ngiti nyang iyon na lalong nakakadagdag sa kaba at sa galit ko. Unti- unti syang lumalapit sa akin, at unti unti din naman akong napapaatras. Naramdaman ko na lang ang lamig ng pader sa may likuran ko, ayoko mang isipin pero na-corner na nya ko.

  “What do you want from me? Money? How much? Sabihin mo kung magkano, ibibigay ko sayo. Please lang tigilan mo na ko” pakiusap ko sa kanya.

  “I don’t need your money, I need you. I WANT YOU!” after nyang sabihin ang mga salitang yun, inilang hakbang lang nya ang pagitan namin. Hinawakan nya ko sa magkabilang balikat ko, then he kissed me.  Pinipilit kong manlaban, itinutulak ko sya pero ano nga bang magiging epekto nun sa kanya ? Hindi hamak na mas malakas sya sa akin, malaki ang katawan nya kaya hindi ko alam kung may epekto ba ang ginagawa kong panlalaban sa kanya.

   Madali nyang nasira ang suot kong blouse, at ng makita nya ang aking dibdib ay para syang nauulol dahil siguro sa tindi ng pagnanasa sa akin. Nang muling lumapat ang labi nya sa akin, hindi na ako muling pumalag pa at dahil dun napatingin sya sa akin na tila sinasabing ‘mabuti naman’. Pero hindi nya alam na may binubuo na akong plano ng mga sandaling yun, ng maramdaman kong hindi na ganoon kahigpit ang pagkakahawak nya sa akin, buong lakas ko syang sinipa sa pagkalalaki nya. Napaaray sya at natigil kung ano man ang ginagawa nya, sinapo nya ang parteng tinamaan ko at bahagya pa syang napaatras.

  Sinamantala ko ang pagkakataong iyon, mabilis akong pumunta sa may pintuan ngunit ng bubuksan ko na saka ko nalaman na naka-lock pala ito. May kailangang code para mabuksan ko yun, tuluyan na kong nawalan ng pag asa.

  “Huwag mo ng subukang tumakas sweety, wala ka ng magagawa” sabi nito. Hinarap ko sya at nakita kong papalapit na naman sya sa gawi ko.

  “Subukan mong lumapit, kundi—“

  “Kundi ano? Sisigaw ka? Haha huwag mo kong patawanin Madz, sa iniisip mong yan wala pang isang oras kakalat na sa buong Pilipinas ang namagitan sa atin” putol nya sa sasabihin ko.

  Sa sinabi nyang iyon, dun ko narealize na wala naman ngang silbi kung pilit pa kong manlaban. Isa lang naman talaga ang dapat kong ibigay para matigil na ang lahat ng ito, ang katawan ko.

  Napaupo ako sa may likod ng pintuan, naramdaman ko ang kamay nya sa pisngi ko. Maya-maya pa’y binuhat nya ako at dinala sa kanyang kwarto, ibinaba nya ko sa isang malambot na kama. Tinignan nya ako at bahagyang napangiti, after nun kinuha na nya ang gustong gusto nyang makuha sa akin.

'My Sizzling Revenge'Where stories live. Discover now