#chapter 27.2 (First Target; BAR)

1.2K 13 2
                                    

NOTE:

  Kaya ko po ito ni-rate as PG13 kasi may mga scene po talaga na hindi pwede sa mga bata, so ngayon pa lang po sinasabi ko na may ‘HOT SCENE’ sa chapter na ito.

  Hindi ko sya nilagay as restricted kasi hindi naman po ito totally bed scene at hindi malaswa. Need lang po talaga ng ganitong scene. So eto na po, enjoy reading J

 ********

+Chapter 27.2+

   Noon lang nakaramdam ng pagkainip si Troy habang nasa loob ng isang bar. Naiisip nya si Madz, kung nakauwi na ba ito o kung tulog na. Kinuha nya ang cellphone sa bulsa at sinubukan idial ang number nito.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Pleasa try again later.

 Siguro tulog na ito at lowbat lang ang phone nya. Tsk, napaparanoid lang ako sa sinabi ni Migs. Teka, nasaan na nga kaya ang isang iyon?

  Nagpalinga linga sya upang mahanap ang kaibigan, magpapaalam na sya dito at mauuna nang umuwi. Ngunit sa kanyang paglingon, hindi nya napansin na may dadaan pala sa gawi nya kaya  . . . . . . . .

.

.

.

.

.

BUGGGGG!! . . . .

  Hindi nya sinasadyang mabunggo ito kaya natapon ang dala nitong drinks sa damit nya at maging sa damit nito.

“S-orry” sabay pa nilang sabi.  Nagkatinginan sila, gusto nya sanang punasan ang nabasang parte ng damit nito ngunit hindi nya magawa. Baka kasi akalain nitong binabastos nya ito.

“Here” inabot nya ang kanyang panyo, buti na lamang at nilagyan sya ni Madz sa kanyang bulsa kaninang umaga.

“No thanks, kailangan mo din yan” tanggi nito habang pinupunasan ng hawak na tissue ang nabasa nitong damit.

  “I insist” sabi nya. Pilit nyang ibinigay dito ang kanyang panyo kaya’t nahawakan nya ang kamay nito. Nagkatinginan ulit sila.

  “Thanks” sabi nito saka sya ninginitian. Kahit na medyo dim ang ilaw, nakita pa din nya ang matamis nitong pagngiti.

 Ang ganda nya.

  Napailing na lang sya sa naisip, inanyayahan nya muna itong maupo sa kanina’y pwesto ni Migs.

 “What do you want to drink? Wine? Tea?” alok nya dito.

“NO thanks, medyo nakainom na ko kanina. Baka hindi na ko makauwi  kapag uminom pa ko” tanggi nito.

I can drive you home” nagulat pa sya mismo sa huling sinabi nya, pero hindi na lang sya nagpahalata.

  “Oh really?”

 “Y-yes” hindi na nya nagawang bawiin pa ang nasabi na nya. Umorder ito ng wine at inistraight lang nito.

  Shit. Ano ba itong pinasok ko, hinihintay na ko ni Madz.

  Inabot ng halos dalawang oras ang pag iinuman nila ng girl na hanggang ngayon ay hindi nya pa alam ang pangalan. Napansin nyang lasing na ito kaya’t niyaya na nya itong umuwi. Pagewang gewang na ito sa paglakad kaya’t inalalayan na nya ito sa beywang upang hindi ma-out of balance.  Binuksan nya ang pinto ng kotse at inalalayan pa din itong makapasok.

'My Sizzling Revenge'Where stories live. Discover now