#chapter 18 (Js Prom, 2nd Part)

1.1K 16 6
                                    

°

°

°

--------------------------------------------------

+Chapter 18+

°

°

°

[Josh's POV]

°

°

°

Hindi ko inexpect na ganito pala ang sinasabing bright idea ni Charity. Oo, hindi na ko nahirapang makipagbreak sa kanya pero dapat ba kong matuwa na napahiya sya sa harap ng maraming tao?

°

°

At kung hindi ba naman sira itong si Charity, talagang kahit saan pumunta si Grace ay pinatatapatan pa nito ng spotlight.

Nakita ko syang yumuko na lang at dahan dahang bumaba ng stage. Umiiyak ba sya? Hay, bakit ba kailangan kong makaramdam ng ganito.

°

°

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinabol ko ang papalayong si Grace. Wala na kong pakialam kung matalo pa ko sa punyet@ng laro na yan. Wala na kong pakialam kung magasgasan pa si Max o palitan ko ang gadgets nila. Wala na kong pakialam sa mga sasabihin ni James. Ang mahalaga naman,

°

°

/mahal ko sya/

°

°

Mahirap mang paniwalaan pero totoong nahulog na ako sa kanya. Kahit na panget pa sya, ubod naman ng ganda ang ugali nya. Ganito talaga yata kapag TRUE LOVE na, hindi mo kailangan ng mata dahil puso pa lang sapat na.

°

°

°

Hinawakan ko si Grace sa braso nya, hinarap ko sya sa akin. Nakita ko ang masaganang luha na umaagos sa magkabilang pisngi nya. Pinunasan ko yun, at saka ko sya niyakap ng mahigpit.

°

°

"Woooaaah!" -- ganyan ang reaksyon ng mga nanunuod sa amin ngayon. Pero tulad nga ng sinabi ko, WALA NA KONG PAKIALAM PA.

°

°

"Grace, please let me exp---" -- hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng may marinig akong pamilyar sa akin.

°

°

°

"Pero natural din naman siguro na sagutin ka nya kaagad, sa panget nyang yun naka jackpot sya".

°

°

Boses yun ni Charity, recorded yun na kasalukuyang nakasalang. Pero paano? Sino?

Unti unting kumalas si Grace sa pagkakayakap ko, at tulad ng iba tahimik din syang nakinig.

Tumingin ako kay Charity at sunod sunod syang umiling.

°

°

"Stop it Charity" -- boses ko yun. Napatapik ako sa n0o, sinong gumawa nito?

°

°

"Do you like her?"

°

° "I don't like her ok? She's not even my type" -- Shit! Edited. . .

°

°

"Okay, relax edi wala ka ng gusto. It means naaawa ka sa kanya?" -- Charity.

°

°

"Yes"

°

°

"So, aayaw ka na sa game? Magpapatalo ka? Ipapagasgas mo sa amin si Max?" -- Charity.

°

°

"No, I won't quit. You know me Char, hindi ako papatalo"

°

°

°

Natapos ang recorded conversation namin ni Charity. Madaming mga bulung-bulungan, maraming nag aakusang tingin, pero ang tingin ni Grace ang hindi ko kayang tingnan.

°

°

"Totoo ba Josh? Totoo ba ang lahat? Ang lahat ay dahil sa isang laro lang, ha?" -- tanong nya.

°

°

"O-oo pero---"

°

°

PAKKK ! !

Isang sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko.

°

°

"Bakit Josh? Bakit ako pa? Dahil ba sa panget ako? Dahil ba sa alam mong may gusto ako sa'yo? Bakit? Bakit ako pa? Tahimik lang ang buhay ko noon, masaya na ko sa pagtingin sayo mula sa malayo. Pero bakit kailangan mong paabutin sa ganito ang lahat?? BAKIT MO KO PINAIBIG KUNG SASAKTAN AT PAGLALARUAN MO LANG NAMAN PALA KO?? -- galit na sigaw nya sa akin. Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha nya.

Sinubukan kong hawakan sya pero tinabig nya lang ang kamay ko.

°

°

"Josh, kahit kaunti ba minahal mo ako?" -- tanong nya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.

°

°

Napayuko ako.

"Hindi, hindi dahil ---".

°

°

PAKKK!

Isang sampal naman ang dumapo sa kaliwang pisngi ko.

Naglakad na sya palabas ng hotel, pakiramdam ko nawalan ako ng lakas para habulin pa sya.

°

°

/Hindi kita minahal ng kaunti, dahil minahal kita ng higit pa sa akala ko/

°

°

--------------------------------------------------

AN : Pasensya na kung putol, may kadugtong pa po ito.

****

**

'My Sizzling Revenge'Where stories live. Discover now