#chapter29 (1st Target; Blackmail)

1.2K 14 5
                                    

+Chapter 29+

“May lakad ka babe?” tanong ni Troy sa kanya ng makita sya nitong nakabihis at nagmamadali sa pag aayos. Kagigising lamang nito ng punahin sya.

  “Hmm O-oo babe, tumawag kasi kanina si Charity nagpapasama sya sa aking magshopping. Nangungulit eh kaya hindi na ko nakatanggi. O-okay lang ba? Kasi kung--. . .”

 “Of course it’s okay babe” putol nito sa sasabihin pa sana nya.

 “You sure?” tanong pa nya ulit dito. Nakahanda na syang umalis kaya’t yumakap na din sya dito.

 “Yup. But promise me, no boys allowed okay?” tanong nito na may kasama namang ngiti.

  Medyo natigilan sya sa sinabi nito ngunit agad ding nakabawi. “Babe naman, alam mo namang nag iisa ka lang for me”

Really?”

 “Umm” sagot nya na may kasama pang pagtango. “So, alis na ko babe. Muah” paalam nya dito sabay halik sa labi nito.

  Ngunit ang dapat damping halik lang ay nauwi sa isang matagal na paglalapat ng kanilang labi. Una syang nagbawi.

“Babe naman”

  Tumawa lang ito at kinindatan pa sya.

  Itetext ko na lang mamaya si Charity para sabihing ginamit ko ang name nya ng magpaalam ako kay Troy. Ayoko sanang mandamay ng iba but I need to see him, para matapos na ang lahat. Hindi ko hahayaang masira kami ni Troy ng dahil lang sa kanya. Hindi ako papayag.

#SA MALL

  Nagmamadali syang pumasok sa mall suot ang cap at iba pang pang disguise nya para hindi makilala ng mga fans nya.Yun lang talaga ang hirap kapag nasa entertainment industry, may nakasunod sa lahat ng kilos nya. Nagulat pa sya ng may humila sa kanya, sisigaw na sana sya ng makilala nya kung sino ito.

  “Hey Madz bakit parang gulat na gulat ka hehe. Nag iisa ka yata, nasaan si Troy?” tanong ni Migs sa kanya. Hindi na sya magugulat kung nakilala sya nito kaagad, tulad kasi nila ni Troy lagi din itong naka disguise kapag pumupunta ng mall at ayaw makakuha ng atensyon ng mga fans.

  “Ah naiwan sya sa bahay may hangover pa eh. Kaw kasi niyaya mo sya tapos nagpakalasing ka pa at nagpahatid pauwi” sabi nya dito.

  “Ha? Baka sya ang lasing. Hindi ako nagpahatid sa kanya no, may kasama kaya akong chika babe kagabi haha. Oh sige mauna na kong umalis Madz, baka hinihintay na ko ng kausap ko. Bye” paalam nito sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi. Naiwan syang nagtataka sa narinig nya mula dito.

 Kung hindi nya hinatid si Migs bakit sya inumaga ng uwi? At kung may kasamang babae si Migs, sino ang kasama nya sa bar magdamag? Posible kayang may babae din syang kasama?

 Natigil lang sya sa pag iisip na marinig nyang nag ring ang cellphone nya.

*ring ring ring*

 “Hello?”

“Nasaan ka na?” tanong ng nasa kabilang linya.

 “Nandito na ko sa loob ng mall, wait lang”

 “Okay, tumawag lang ako to make sure na sisiputin mo ako. I miss you”

 “Ah okay, sige bye”

 She hung up the phone. Kung kagabi ay masaya pa sya tuwing kausap nya ito ngayo’y parang ayaw na nya itong makita o kahit makausap man lang. Dahil iyon sa mga sinabi nito kaninang umaga habang kausap nya ito.

'My Sizzling Revenge'Where stories live. Discover now