(Prom, Last Part) #part.3

1K 16 3
                                    

°

°

°

Sinubukan kong tumayo kahit na masakit ang paa ko. Wala naman kasi ang sakit na 'to kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Paika ika akong lumakad papunta sa nakapark kong kotse, ng may tumawag sa akin.

°

°

"GELAI !" -- hindi ko na kinailangan pang lingunin kung sino, dahil kilala ko ang boses na yun.

Si Pat, ang kaibigan kong nagmalasakit sa akin pero hindi ko pinaniwalaan. Ang kaibigang minahal na pala ko ng hindi ko man lang napansin, dahil abala ako sa pagmamahal sa isang walang kwentang lalaki.

°

°

Lumingon ako para tingnan si Patrick, para magsumbong sa kanya, para magsorry sa kanya, at para umiyak sa balikat nya.

Pero wrong move ang ginawa ko, dahil paglingon ko. . . . .

°

°

°

°

°

°

°

nakita ko syang nakikipaghalikan, kanino pa edi kay Ashley.

°

°

°

Hindi ko na ininda ang sakit ng paa ko, madali akong sumakay ng kotse at dumukdok sa manibela.

°

°

/Pati ba naman ikaw Pat, pati ba naman ikaw niloko mo ko?? Sabi mo mahal mo ko, pero bakit harap harapan mo pang ipakita sa akin na nakikipaghalikan sa iba? Ganyan ba ang pagmamahal? Mapagkunwari?/

°

°

Pinunasan ko ang luhang umaagos sa magkabilang pisngi ko. Ini-start ko ang kotse, at pinaandar ko palabas ng parking lot ng hotel.

°

°

°

/Magbabayad kayo sa lahat ng ginawa nyo sa akin.Sa paggawa nyong laruan sa puso ko, sa pagpapahiya nyo sa akin sa harap ng maraming tao, sa mga kasinungalingan, sa mga panloloko!! Iisa isahin ko kayo Powerful six, lalo ka na Josh at James. At ikaw Patrick? Isasali din kita, GAGANTI AKO!/

°

°

Hinawakan ko ng mahigpit ang manibela, at pinaharurot ang kotse. Pero hindi pa ko masyadong nakakalayo ng maramdaman kong parang may mali kay Lady. Tinapakan ko ang brake, pero ayaw kumagat.

°

°

/SHIT, BAKIT WALANG PRENO?/

°

°

Hindi ko na makontrol ang manibela dahil sa pagkataranta ko. Panong nawalan ng preno? Ayos pa 'to kanina?

°

°

Nagpagewang gewang ang kotse, hindi ko alam ang gagawin ko. Nasilaw ako sa liwanag, may makakasalubong ako. . . San ba ko dapat, kaliwa o kanan???

°

°

°

°

°

°

°

°

°

BOOOOOOGGGSSHH!!

°

°

Naramdaman ko ang malapot na dugong lumalabas sa ulo ko, nanlalabo ang paningin ko.

/God, ayoko pa pong mamatay/

°

°

--------------------------------------------------

TULUYAN NG NAWALAN NG MALAY SI ANGELA!

§***§

AN : Okey lang ba ang ud ko? Sana na-satisfied ko po kayo

§***§

'My Sizzling Revenge'Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin