Nagkatinginan kaming walo.

Nagpapakiramdaman.

Paano 'to? Paano si Flame?

"Ako nalang papasok." sabi ko bigla. "Si Flame naman talaga dapat ang tagabato ng die namin eh. Ako nalang."

"Java, tumigil ka nga!" saway ni Ichiro.

"So ako nga?" ulit ni Flame.

Si Gunner ay mura na nang mura habang nakatingin sa cubicle 5. Mayroong ahas don. Malaki. Kulay itim. Sa ngayon ay nasa loob pa ng isang cage ang ahas na nasa loob. Bubukas kaya ang cage kapag bumukas na ang glass cubicle no. 05?

"Ako na lang." sabi naman ni Alpha.

Ugh! Paano ba 'to?

"Ano ba. Tumigil nga kayo!" sigaw ni Hera.

"Let's fucking end this dollhouse game. Umamin na kasi kung sino ang killer!" dagdag niya.

Bigla kaming nagkatinginan lahat.

May isang napalunok.

"What the hell is happening? Ano na ba pinaguusapan niyo?" tanong ni Flame na nalilito na. Napansin niya sigurong nagsisigawan na.

"Dorothy, ituro mo na kasi kung sino ang pumatay!" inis na sigaw ni Hera, desperada na. Nakatingin siya kay Dorothy na nasa loob ng cubicle no. 1. "Mauubos tayong lahat kung walang aamin. Nakikita mo ba ang ahas na 'yon? Mamamatay si Flame sa cubicle na 'yon!"

"Dorothy, please. Ituro mo na." dagdag ni Babe na naiyak.

Napalingon lahat sa kanya.

Nakaabang kaming lahat kay Dorothy.

Umiiyak siya sa loob ng glass cubicle.

Tapos umiling lang siya.

Napabuga ako ng hangin at napapikit na lang. I knew it. She's not gonna tell anything. Hangga't walang naamin sa'min, hindi matatapos ang larong 'to.

"Gunner, umamin ka na kasi." biglang sabi ni Ichiro. Naiinis ang boses. What the hell?

Tumalim ang mata ni Gunner at inis na sumugod. Inawat agad siya ni Flame. Hindi nagpaawat si Gunner, dumiretso parin siya. Kuyom na kuyom na ang kamao niya, handa na siyang suntukin si Ichiro.

"Gunner, ano ba, bakit ka nasugod?!" sigaw ni Flame.

"Ichiro, tangina, bakit ako na naman?!" sigaw ni Gunner.

Inis na lumapit din si Ichiro kay Gunner. Si Gunner naman ay pulang pula na sa galit. Pinapanood namin ang dalawa. Ang gulo gulo na.

"I saw you that night, Gunner. Duguan ang kamay mo. Pati damit mo puro dugo. Ikaw ang pumatay kay Prof. Azazel, di ba?"

Biglang hindi makasagot si Gunner, mukhang natigilan.

"Ichiro, bakit ba laging si Gunner?!" inis kong sabi tuloy.

"Huwag mo na siya pagtakpan, Java. Please naman. Nakita mo din siya noong gabing 'yon di ba?!" desperadong sabi ni Ichiro.

The spotlight is now on me.

Tsk.

Bakit ba kasi ang daming sinasabi ni Ichiro?!

"Wala namang pruweba na si Gunner 'yon, Ichiro!" inis kong sabi.

"No. I saw it. Same fucking night. Nandoon si Gunner! Duguan ang kamay niya at damit. Tumatakbo siya palayo. Nagmamadali. Natakas. Gunner, bakit nananahimik ka? Nasaan na ang mga mura mo? Murahin mo ko! Galit ka na, di ba?"

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now