Chapter 16 : Appearance of the Wielders

42 9 1
                                    

Chapter 16 : Appearance of the Wielders

After talking to Frio, we both went silent to feel the scenery of the place. Dahil nga mayroon pang klase ay tahimik lamang at wala masyadong tao. The garden who blooms beautifully is being maintained by the witches.

Ilang minuto lamang ang lumipas ng nanatili kaming tahimik ng matanaw ko si Astoria na kalalabas lamang ng palasyo. Tila mayroon itong hinahanap dahil panay ang lingon niya sa paligid.

Our eyes met and her face lightened as if the burden of finding someone was lifted up. Tumakbo ito papunta sa direksyon ko.

"Serel!" Tawag niya.

"Astoria?"

"Ipinapatawag tayo sa opisina ni Vaboo," Pag-bibigay alam niya sa akin at tumingin sa aking likuran.

Nang batiin niya si Frio ay tsaka ko lamang muling naalala na si Frio ay kasama ko nga pala rito.

"Anong meron?" Tanong ko at nag-simula na kaming lumakad papunta sa loob.

"Hindi ko rin alam," Nag-kibit balikat siya.

Lumingon naman ako kay Frio.

"May alam ka?" I asked him when I couldn't get anything from Astoria.

"I don't know..." Bumuntong hininga ako ng marinig kaagad ang sagot ni Frio.

"But..." My face lightened when Frio continued his sentence.

"There seems to be a problem. Vaboo mentioned that after fixing the Portal Valley, we still need to solve the other problem that came up." Tumango ako sa kaniyang sinabi.

Natahimik naman ako matapos iyon.

Habang nasa hallway na kami ay nanlaki bigla ang aking mga mata at napatalon ng mayroong maisip.

"Oh!" I gasped when the thought of the elemental wielders entered my mind.

I literally forgot about it! Siguro ay sa rami ng nangyari, kaya ko nakalimutan ang tungkol sa isyu na iyon.

Kung ang elemental wielders nga ang dahilan kung bakit kami pinatatawag ni Vaboo ay isa lamang ang ibig sabihin noon. Handa ng ianunsyo ni Vaboo ang tungkol sa biglang mga pag-litaw ng elemental wielders at ang plano niya para rito.

Ngunit ang bumabagabag sa akin ay ang reaksyon ng iba pang Astroloheir.

"Serel?" I snapped back to reality when Astoria called my name.

"A-Ah?" Mag-kasunod akong tumingin kay Astoria at Frio na may nag-aalalang mukha.

"Are you okay? You surprised us." Ramdam ko ang pag-aalala niya ng mag-tanong ito. I nodded.

"Ah, Oo. May naalala lang ako." Dahilan ko dahil kung totoo man ang aking hinala ay mas mabuting marinig na nila mismo ang mga salita kay Vaboo.

Tumango si Astoria at mukhang nakumbinsi ko naman ito sa aking sinabi kaya nag-patuloy na kami sa pag-lalakad patungo sa opisina ni Vaboo. I almost forgot how big the palace is. Nasasanay ako na napapabilis ang aking pag-kilos tuwing kasabay ko si Astoria dahil pasimple nitong pinabibilis ang oras dahil kain oras mag-paligoy-ligoy sa palasyo.

She can't use her abilities now though. Frio is with us.

"Do you know something?" Nilingon ko si Frio ng mag-tanong ito.

Bumaling naman ang tingin ko kay Astoria na nasa unahan namin nag-lalakad. Hindi nito narinig ang tanong ni Frio kaya muli akong tumingin kay Frio.

"I have hunch about the problem."

"What is it?"

"It's probably best to hear it directly from Vaboo."

Inscribed Fate: Eclipse of ReinstateWhere stories live. Discover now