Chapter 8 : Haunting

60 10 1
                                    

Chapter 8 : Haunting

Matapos kong maligo ay lumabas na ako sa banyo. Naroon si Astoria na nag-tutuyo ng buhok niya. Nauna siya kanina saakin sa banyo kaya nahuli ako. Siguro ay nag-aantay na rin ang iba saamin upang makakuha ng impormasyon at mag-tanong kay Astoria sa mga bagay bagay.

"Ayos kana?" Tumango siya saakin.

Pinahiram ko muna ito ng mga damit ko dahil wala pa siyang damit dito sa dormitory. We both walked out of the room and saw the astroloheirs minding their own business. Mayroong nanonood ng TV, nakatambay sa veranda, at tulog sa couch. Napatawa ako sa hitsura ni Fisso.

"Huy." I slightly tapped his cheeks to wake him up.

Sa palagay ko ay sasakit ang katawan niya sa posisyon niya sa couch. Hindi niya ma-stretch ang paa niya dahil nasa kabilang dulo si Levi. Umiling ako at ginising rin si Levi.

"Kung matutulog kayo, sa kwarto. Sasakit katawan niyo." Paalala ko sa mga ito nang magising sila.

"Pagod kayo?" Bahagya kong tanong sa mga ito.

"Medyo. Ang sakit ng katawan ko." Nag-unat si Fisso.

"'Yan ang sinasabi ko sainyo." umiling iling pa ako para pagsabihan itong dalawa.

"Good afternoon." Tumawa si Astoria nang naupo sa tabihan ko at binati sina Fisso at Levi.

"Aftie," Humikab pa si Levi.

Humilig ako kay Astoria at nanood rin aa palabas na nasa TV. Nagulat ako dahil biglang dumilim ang paligid. Pamilyar ito at nangyari na rin ito.

"Serel... tulungan mo ako."

Nanindig ang mga balahibo ko sa isang malamig at pamilyar na boses. Kilala ko ang boses na iyon kaya kinakabahan ako.

"S-Sino ka?" Nauutal kong tanong habang pilit pinakakalma ang sarili ko.

"Serel... we can't go back."

Napairit ako nang may dumampi na malamig sa kamay ko. Para akong nabibingi sa paulit ulit na tinig na bumubulong sa tenga ko.

"Tulungan mo ako... kami..."

"Serel..."

"Serel, gising, Serel!" Napamulat ako dahil sa pag-yugyog sa katawan ko.

Hinihingal ako nang mumulat at minasdan ang buong paligid. Nasa loob ako ng dormitory. Panaginip lamang ba iyon? But the voice, it's still lingering on my ears.

"Ayos ka lang?" Nag-aalalang dumalo saakin si Fisso. Tumango at inabot ang isang baso ng tubig na binigay ni Nadia.

"Salamat," Ngumiti ako sa kaniya.

"Anong nangyari sa'yo?" Nag-alala na tanong ni Flare at halos sipain si Levi makalapit lamang saakin.

"Kung gusto daw matulog pumunta sa kwarto tapos siya, natulog sa sofa." Asar ni Levi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Naka-tulog pala ako?" Paos kong tanong sa kanila.

"Yup, you leaned on my shoulder. We both fell asleep." Bumaling ako kay Astoria.

"I dreamt about something..." I opened up.

Nakuha naman noon ang atensyon nila at mukhang kuryoso sila sa kung anong sasabihin ko.

"Someone is calling me, more like asking for help. I don't know." Gulo kong paliwanag sa mga ito.

"Sino kaya iyon?" Tanong ni Aquacia sa sarili.

"Do you see someone on your dream?" Napalingon naman ako kay Frio ng magtanong ito.

"I was in a dark place, I don't see anyone but I can hear voices." Sagot ko sa kaniya.

Inscribed Fate: Eclipse of ReinstateWhere stories live. Discover now